Ah, summer – what power you have to make us suffer and like it

dear kuya bong,

kamusta na riyan sa pilipinas? tag-ulan na siguro ano. dito sa california eh summer na talaga at malimit akong nakababad sa mainit na sikat ng araw. nag-iba na nga ang kulay ng balat ko – dark brown na makintab na siya ngayon. pag hindi nga ako gumalaw ng matagal, akala mo eh nakita mo yung rebulto ng nazareno sa quiapo. buti nga at walang masyadong humidity lately. at least hindi ako pinagpapawisan ng husto. kung katulad siguro diyan sa maynila ang humidity dito eh baka tubuan na ng lumot ang betlog ko.

dahil sa sobrang init, karamihan nga sa mga kapitbahay namin ay nakatodo na ang air conditioner. yung iba nga ay magdamag na nakabukas. kami ni jet ay naliligo na lang parati at nag-titiis sa electric fan. tinatapat ko na lang sa bintana pag natutulog kami para yung malamig na hangin sa labas ay papasok sa kwarto. at least, nakakaraos kami ng hindi nagbabayad ng malaki sa kuryente. ok na rin, nakakatipid na kami sa gastos, parati pa kaming mabango. mas maigi na siguro ito kaysa nakatira sa malamig na bahay pero amoy langka (“jackpruwet” in english) naman ang katawan.

pag ganitong summer kailangan talaga ay maghanap ka ng magagawa para hindi ka masyadong mainitan. kaya may bago akong sport ngayon bukod sa pagbibisikleta at pagjajakol: nung last week kasi, inimbita ako ng kaibigan ko para mag body board sa dana beach. ito yung surf board na hilaw – hindi ka tatayo. nakahiga ka lang sa maliit na styrofoam board habang kinakaladkad ka ng alon. enjoy nga ako kahit sobrang lamig ng tubig dagat. ewan ko ba, kahit saksakan ng init ng panahon dito eh parang yelo pa rin ang pacific ocean. palibhasa, galing kasi sa alaska ang tubig.

o sige, hanggang dito na lang muna at kamusta sa lahat. sana makauwi kami next year para maka-inom na naman tayo ng malamig na san miguel.

ingat na lang diyan,
jay

11 thoughts on “Ah, summer – what power you have to make us suffer and like it

  1. Natutuwa nga ako mylab kasi nakikita kong enjoy na enjoy ka dito sa kalipornya. Nakakatuwang pagmasdan how engaged you can be with the new things around you. This is a time for a lot of firsts… this is a good time.

    Labyu!

  2. nakanam…how suwet talaga you two 😉

    Anyhoo…bakit kaya perception most of the time ng mga Pinoy na pag nag abroad ka sa US or bansa na may 4 seasons eh puputi ka?I got an email from an acquaintance (di koh sha friend noh) na siguro amputiputi ko na daw. Ha? Pati nanay ko, everytime she’s here for a holiday na-sha-shock sha kasi para daw mas umitim ako compared nung nasa Pinas ako. Ewan ko ba…never naging issue sa akin kung maputi or maitim ang balat.

  3. ang napansin ko rito – maraming mga asians ay talagang concerned sa kutis nila. pag maay nakikita akong nakapayong, iniisip ko agad asian ito – most of the time i am correct. ayaw kasi ng mga asian ng dark skin. ako, ok lang kahit kulay betlog ang skin tone ko ngayon.

    in fact, i am much darker now than i’ve ever been. parati nga kasi akong nasa labas – walking, biking and enjoying the warm california sun.

  4. matagal-tagal na rin akong nagbabasa sa blog na ito (mejo sikat na kse ito dito by word-of-mouth) pero ngayon lang ako magrereact. proud ako na ulikba ako at never kong pinangarap na gumamit ng whitening products na naglipana sa mga drug store, supermarket at beauty shop dito sa pilipinas. pero totoo, mahilig ang mga pinoy sa mga mapuputi. siguro hindi ako talagang saklob ng pinoy pop culture dahil pag pumupunta ako ng beach, sa halip na sunblock ang ilagay ko para hindi lalong umitim, tanning lotion ang pinapahid ko wahehehe. sino ba kse ang nagsabi na mapuputi lang ang maganda? amp naman…

    sa mga pakikipag-usap ko sa pamamagitan ng phone/net conference sa mga afam (read: onaks, kano) naming kliyente, lagi nilang nababanggit na good mood sila dahil summer na nga jan. well, i hope you guys are really enjoying the weather and the sun there dahil sa kasalukuyan, walang nag-eenjoy ng ulan dito. kadiri ang abutan ng ulan sa makati/manila. yes, you get the picture. kadiri tlga.

  5. uy maraming salamat ligaya. yan ang gusto kong marinig – pinay na ayaw pumuti.

    ako, i’ve given up long ago na puputi pa ako. the closest i could get to is light brown. pero lahat yan ay immaterial na ngayon kasi wala na akong pakialam. liberated na ako sa mga whitening epeks na iyan. i am brown and proud.

    thank you very much. i also wish for world peace.

    jay

    ps teka muna – bakit gising ka pa?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *