AGENT X44, ANG PINSAN NI JAMES BOND

AGENT X44, ANG PINSAN NI JAMES BOND narito ako sa opisina ngayong sabado. kinuha ko ang mga gamit ko dahil pupunta ako sa australia ng monday. nag bike lang ako kasi maganda ang panahon kahit tanghali na. lately nga medyo di na gaanong mainit dito sa singapore at kadalasan ay mahangin. this is the closest we have to winter kaya enjoy it baby, while it lasts. naglalabasan na naman nga ang mga nagpapaporma rito na gustong gusto kong tadyakan – sila yung mga kupal na mahilig mag suot ng bonnet, turtle neck sweater at leather jacket. hindi yata nila alam ang depenisyon ng “tropical country” at “humidity“. the other week, may nakasabay ako sa bus na nakabonnet na biglang tumayo at nalapit sa mukha ko ang ulo. tangina, muntik na akong mahimatay sa baho. pero next week, baka maging guilty rin ako ng inappropriate clothing. summer kasi sa australia pero kailangan ay formal ang damit kasi conference ang dadaluhan ko. kaya kung sakaling magawi kayo ng perth or brisbane next week at may nakita kayong lalaking may 1960’s hairdo na kamukha ni tony falcon, alyas agent x-44… paki tadyakan lang dahil ako yun.

24 thoughts on “AGENT X44, ANG PINSAN NI JAMES BOND

  1. O punta ka na naman ng Australia? Sarap naman ng trabaho mo. Hindi ba pwedeng magpa-proxy ka sakin. Sabihin mo malulungkot si Jet kaya kung pede ako na lang muna ang aatend. Wag kang mag-alala, I will keep my mouth shut and just nod my head when asked for an opinion. 🙂

    Bon voyage na rin.

  2. hi batjay! ingat ka sa iyong paglalakbay!

    nakapunta na ako sa brisbane last year, at napakagandang place! wala nga lang social life ang mga tao dun, at 5pm sarado na ang mga mall. nyak!

  3. hi tin ni roland.

    thank you. maganda nga raw sa brisbane. first time ko rito next week kasi puro sa sydney lang ako parati. british standard ang business hours sa australia ang NZ, normallly shops close at 5pm. medyo boring nga ano?

    ingat,
    jay

  4. hey tito rolly. salamat sa bati mo nga pala… oo nga, balik australia ulit. may conference at kami ang sponsor kaya kailangan ulit magsalita at mag baby sit sa mga customers. malulungkot na naman si jet pero sandali lang naman – in about 2 weeks, nasa pilipinas na kami. ihanda ko na ang pepper steak ko. ingat.

  5. aliw itong pic na to!

    have a safe trip sa brisbane! hmmm, parang pareho lang sila ng sydney para sa kin — although sydney’s better. zoo and beach lang yata ang highlights sa brisbane e although sandali lang kami dun before.

  6. Ang dating pa din sa akin ng picture na ito ay old commercial ng Blend 45. =)

    Mukhang me disadvantage din ang pag-quit mo sa pag-smoke, BatJay. Bumabalik na at tumatalas ang pang-amoy mo. Kaya lang ang swerte (o malas?) eh napapaligiran ka ng mababango(?). Hehehe. Konting tiis. Ingat sa down under.

  7. late ka na yata natulog doc emer.

    oo nga… sino bang naalala mo yung kay boots anson “marcos/erap/fpj is my guy” roa or yung mas earlier pa roon? kahit nung nagsisigarillo pa ako doc emer malakas ang pang amoy ko. pero ngayon talaga ibang klase – i can spot body odor from far away. vey very bad odor. lalo na sa mga enclosed places tulad ng mg elevator, trains and buses.

    hirap talaga.

  8. hi tingalingaling.

    this is probably how i am going to look like in my fiftees – that is kung magpakulot ako at naglagay ng gel. mwehehehe… balak ko nga pagdating ko ng 50 years old ay magpakalbo na lang para wala na akong iniisip na gaining face or losing hair.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *