Age is not a particularly interesting subject.

darning-small

ayan, kontra sa kagustuhan ng mommy ko, nag darna costume na ulit ako. bwahaha. kinailangan kong maging super hero kasi umakyat ako sa bubong kanina dahil pinutulan ko yung jasmin at masyado nang malago. nahirapan ako ng husto. ngayon lang ulit ako naka akyat ng bubong in 5 years. bwakanginang yan, iba na pala pag 40 years old ka na. hindi na sumusunod ang katawan sa kagustuhan ng utak. sabi ko sa sa paa ko – akyat! may time delay atang 10 seconds bago ito gumalaw at sumunod. hinihingal na rin ako sa akyatan. muntik pang naipit ang tiyan ko sa pagitan ng trelis. kailangan ko nang paliitin ito dahil darating ang araw, iihi ako isang umaga eh hindi ko na makikita ang titi ko. ano bang kailangan kong gawin para maibalik ang katawan ko sa tamang shape? to dream on? yeah right. lalo ko tuloy hinangaan si lance armstrong. pinataob na naman niya ang mga kalaban niya sa akyatan ng bundok kahapon. siya talaga ang malakas ang resistensya. siguro kaya ganoon na lang ang kapit ni sheryl crow sa kanya. pag nagse-sex kaya sila eh para pa rin siyang nasa tour de france?

kasama namin ni jet ang dati kong boss at ang kanyang asawa sa dinner kagabi. pinaguusapan namin ang mga pagbabagong dala ng turning 40. halos nasa same age group kasi kami – soon to be ancient. hehehe. dati rati ang usapan namin ay yung mga magagandang vacation spots sa pilipinas, mga usong damit mga pelikula at kung ano anong mga trivial stuff. ngayon ang topics of discussion namin ay tungkol sa laser surgery sa mata, ang mga style sa pagbasa ng mga text message pag hindi dala ang salamin, kung sino ang mga doctor na magaling sa high blood at rayuma. kung saan mura ang viagra. pero kahit kung saan saan napupunta ang discussion namin kagabi, parati pa ring bumabalik sa personal health.

another thing about turning 40 ay unti unti, may nababalitaan na akong mga kaibigan na nagkakasakit o kaya namamatay. my mom told me about a good childhood friend who died kailan lang. nalungkot ako ng husto. mayroon din akong isa pang classmate who is recovering from a stroke. dinalaw ko siya last may. nakilala niya ako pero hindi niya alam ang pangalan ko. but he’s getting better and that’s good.

but not all is lost. may mga bagay bagay pa rin namang ikinatutuwa ko kahit magiging 40 years old na ako this year. katulad ng…

una, malinaw pa rin ang mata ko. karamihan sa mga kakilala ko ay mga malalabo na ang mga mata. siguro nung bata sila eh inaaraw araw nila ang pagjajakol. ako eh madyo masuwerte, kahit inaaraw araw ko nung araw eh 20-20 pa rin ang vision ko. add to that the fact that for over 20 years, araw araw na lang eh nakaharap ako sa computer.

ikalawa, wala pa ring kulubot ang mukha ko. yung betlog ko maraming kulubot pero yung mukha ko eh clear pa rin kahit parang kutis ito ng kalabaw. siguro ay dala na rin ito ng masayahin kong disposisyon at hindi na rin maipagkakaila na talagang mga baby face ang angkan namin bukod sa mga kilalang mga magaganda’t gwapo. ahem.

at ikalawa, ay ikatlo na pala. hehehe. kahit ulyanin na eh tigasin pa rin ako at hindi ko pa kailangan ng “you take the blue pill” na sabi ni morpheus. pinasasalamatan ko si lord dahil pag gumigising ako sa umaga, mayron pa ring flag ceremony at tunay na tunay ang morning glory.

ngayon, kung mahahanapan ko na lang ng solusyon ang pagpapapayat eh talagang lubos na akong matutuwa sa buhay ko. hekshuli, alam ko na ang solusyon, pinapatagal ko lang. masarap kasing kumain habang nakabakasyon sa pilipinas. magdidiyeta na lang ako pag alis namin.

32 thoughts on “Age is not a particularly interesting subject.

  1. ha ha ha!!! 🙂 life begins at 40 manong batjay.
    sarap talaga kumain pag nagba-bakasyon. hinay po…sana lang huwag kang magka-indigestion dahil sa mga hindi magagandang kaganapan sa gobyerno. have fun! 🙂 (great family pics by the way.)

  2. Ang pagkaka-alam ko, in this era, bata pa ang 40 yrs old, 60 yrs ang matanda na. Just have an active life, palaban pa ang katawan within that age… kahit si Michael Jordan pwede pa maging import kung gusto nya, hehehe…

  3. oo nga, 40 nga raw ngayon is like 30 years old nung last generation. dahil sa advances ng medical science, we can still do things now that was impossible in the past.

  4. Ate Glo! kamusta ka na? bwisit yang rally na yan. dahil diyan ay na cancel ang isang business meeting ko ngayong hapon. malapit ko nang pagbuhulin si aimee marcos at si jejomar binay. sino bang taong may tamang pag iisip ang ipapangalang jejomar. ngyehehe.

    sarap ng bakasyonista kahit magulo sa bayang magiliw.

  5. hi roselle toledo.

    hindi ata ito beer belly. hindi namana ako malakas uminom dahil nakakatulog ako pag may alcohol sa katawan. it’s more like a carbohydrate belly.

    nababasa ko pa ang menu doon sa jollibee kaya 20-20 ang vision ko. pero partially color blind ako. that’s what’s wrong with my eyes.

  6. ni hindi ko na maalala kung ano pakiramdam ng 20/20 vision. dahil 23 pa lang ako ngayon ay 350/375 na ang vision ko. grabe no!

    masaya talaga dito sa pilipinas kahit magulo, there’s no place like home pa din.

  7. dear fr. batjay– my last confession was…teka, ibang ‘fr.’ pala ‘yun. heniweys, i kid you not; in fact may mas may updated version na pala, (much better at that!)–

    “Fifty used to be the new 40, but now, according to the cover of a recent AARP magazine, it turns out that 60 is the new 30.”

  8. yung pagiging mataba is just a state of mind kuya batjay. lagi ko ngang sinasabi sa misis ko tuwing bumabanat ng tanong kung mataba sya, “hindi ah, para ka ngang si rosanna roces eh, malusog lang.”

    nung isang gabi naman habang nasa gitna ako ng antok at idlip, nasabi ko “swit, ang bigat ng paa mo, paki-alis mo muna sa dibdib ko.” braso pala nya yun. nasipa tuloy ako. ng braso.

  9. hi roselle toledo.

    ikaw pala ang commander ni lenin. you’re in good hands. i’ve worked with lenin in a number of projects. he was one of my best engineers. dependable and smart. the two things i’ve always looked for in people. pero may bonus din sa kanya – he writes well and is a good teacher. he also has very good leadership capabilities.

    i am proud to have known and to have worked with him.

  10. hi badz. oo nga state of mind ang pagiging mataba. state of grace ang kailangan para maovercome ang mga overweight anxieties. pero kahit anong state of mind ko, malaki pa rin talaga ang tiyan ko. kailangan ko na talagang gawan ito ng paraan.

    nakakatawa ang kwento mo. hehehe. pwede mo itong i-blog.

  11. wow gail. ang galing ng grade ng mata mo. parang presyo ng salamin. si jet din ay mataas ang grade and her prescription glasses and contact lens are her best friends.

    masaya talaga dito sa bayang magiliw.

  12. Parang lasing din yang matataba, hindi umaamin na mataba sila. hehehehehhe. Well, it doesn’t matter, eat whatever you want!

    “We’re not here for a long time. We’re here for a good time.”

  13. Hi Batjay,

    Ang kailangan mo lang eh gayahin ‘yung kapitbahay namin na puro singkamas at repolyo ang kinakain, hayun mukhang tisiko na, he! he!

    Joking aside, hinay lang sa pagkain na ma-alat, fatty food saka matatamis. Saka damihan ang kain ng fruits saka vegatables. Ingat sa biyahe! Regards kay Jet.

  14. behave ba? hehehe… i also hear a lot of good things about you from him… at ang palagi nya kinukwento na masarap na luto ng sinigang ni jet when he stayed with you daw nung may tinatapos kayo na project.

  15. hm…age is nothing but a number if you’re not the one getting old! hehhee…. i’m almost 30 now and it’s weird to realize just how much time flies!

    40 is the new 30! 30 is the new 21!

  16. When the wonders of stem cells are put into good use in 10 to 15 years….Age…wont matter anymore. You can be 80 but look, be active, be disease free, and live a life like you’re just 30. But, then when that time comes…it will cost money.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *