AFTER: COOKING NG INA MO RIN…

COOKING NG INA MO RIN... kita nyo naman – hehehe. kalahati ang simot sa baboy. ubos ang toge at itlog at busog na busog kami. dahil dalawa lang kami sa bahay, malamang ay ulam namin ito hanggang bukas ng umaga. ngyahaha. ang sarap ng luto ko. simple lang pero rock. marunong na akong magluto besides the fact na magaling akong umutot at mangulangot. pwede na siguro akong maging renaissance boy.

15 thoughts on “AFTER: COOKING NG INA MO RIN…

  1. buti naman at nagustuhan mo ang inihanda ko mylabopmayn.

    at saka, no problem nga pala. iwan mo na sa akin lahat ang house work at matulog ka na. iligpit ko ang kinainan natin habang kumakain ng bubog at tumutulay sa alambre. jackol of all trades ata ako.

  2. Wow. Ang galing-galing naman. Baka dapat ikaw na ang magluto buong weekend 🙂

    “Prodigal chef”, ha? Sige, ituloy mo! Para matuto naman kami ng Pinoy cooking a la Singapore.

  3. Galing pati presentation mo, bosing. At di pa yun, two recipes in one. mamayang gabi, japanese food na yan. Tirayaki. Ikaw magluluto ng pulutan pag nagkita tayo ha.

  4. renaissance girl ako pero hindi ako marunong magluto (dessert magaling ako — pang-ulam hindi). i only pick my nose in the shower, walang tunog ang dighay ko, pati ang aking ahem … utot (mas matindi ang smell nu’n).

    kailangan na ba akong magpalit ng pangalan?

  5. Batjay,
    gano kadalas ka magpa-check ng Lipid Profile mo? Nagpa-ECG ka na ba? Hinay-hinay lang sa prito ha…Coconut oil ba ginamit mo pang-prito?
    Grabe, ako nagpipigil sa prito…pero sa totoo lang, masarap sya!
    Marunong ka ba kung gaano katagal ang pagbabad ng munggo para gawing toge? Tubig lang ba ihahalo?

  6. naku manang. di ko alam ang lipid profile ko. di ko nga alam na may profile ang mga lipids. hehe. kakatapos ko pa lang magpa ECG. wala naman sinabi sa akin na matakaw ako. virgin olive oil ginagamit ko sa weekend prito.

    nagbabawas na kami ni jet ngayon as mga baboy dishes at overall naka diet na rin ako. potential diabetes candidate daw kasi ako.

    daily walk at evening bike ang exercise routine ko everyday at huminto na rin akong manigarillo six weeks ago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *