dear unkyel batjay,
pagkatapos ko pong kumain ng tanghalian kanina ay biglang natanggal ang pasta ko sa ngipin at bigla po itong sumakit. matindi po ang hapdi at halos mahimatay ako sa sobrang sakit. ano po ba ang pwede kong gawin para hindi ko maramdaman ang sakit sa ngipin?
lubos na gumagalang,
gentle reader
dear gentle reader,
kumuha ka ng kutsilyo at tanggalin mo ang isa mong daliri.
ingat,
unkyel batjay
nakupo! mahirap yan fre, magmumog ka ng malamig na malamig na tubig, kailangan sumakit lalo yan ng husto, magtiis ka lang, tapos dahan dahan mawawala yan, kasi nga manhid na yung gilagid mo… tapos dalhin mo na agad sa denstista, ginagawa namin yan dito sa desyerto, ang nagturo sakin yan mga PATAN, tignan mo mga ipin nila, ang gaganda, nagamit kasi sila ng happee toothpaste at twinkido, hahahahaha
di ba ang quickfix daw sa toothache e pasakan ng bawang?
:-0
bawang? yung paputok?
hmm pwede din, wala ka na talagan po-problemahin no’n
AMEN.
Hehe, kakatuwa naman blog mo. 🙂 Kung takut syang putulin daliri niya, pwede din maglakad ng naka 5 inch heels sa mall ng buong araw. Tanggal sakit, tiyak. 🙂
susubukan ko ngang maglakad ng naka 5 inch heels. mas masarap siguro kung nasa harap yung takong. salamat sa payo.
hehe… ayokong tanggalin ang isa kong daliri… tamang-tama ang topic na ‘to, i’m planning to go to my dentist this weekend. hehe
goodluck, sana masakit. hehehehe… biro lang. sana wala kang maramdaman.
mahirap ang masakit ang ngipin. Parang binibiyak ang ulo mo sa dalawa. Sige, masubukan nga ang payo mo pag sumakit ulit ang ngipin ko. Kaya lang, pag ginawa ko yun, pasensya muna kung di ako gaanong makapag-comment sa blog mo ha, kasi pihado, mahihirapan akong mag-type. Sasanayin ko pa kamay ko na apat lang na daliri gamit.
Ang talino mo talaga, sir. Kaya naman idol kita eh.
ngyehehehe… parang ibong adarna story yan sir. para hindi ka makatulog, kailangan sugatan mo ang sarili mo at patakan ng calamansi juice. in this case, transfer the pain to another source, para hindi mo maramdaman ang main source of pain.
siguro, ito ang justification ng mga taong mahilig mag laslas ng kamay.
Sabi naman dati pag masakit ipin mo, yung kanang hintuturo mo kakagatin mo, tapos yung kaliwang hintuturo mo lalagay mo sa pwet. Tapos pag masakit parin daw, pagpapalitin mo ng pusisyon yung 2 hintuturo mo. hehe. epektib daw yun e mawawala yung sakit ng ipin mo 😛
malayo naman ang ngipin sa bituka, e. ayus lang ‘yan.
hintuturo sa pwet strategy – hmm… oo nga, narinig ko na yan nung araw. may demonstration pa nga ata doon sa amin sa novaliches.
bituka?
Hmmm… kung ako yun, bibili na lang ako ng bubble gum tapos ipapasak ko sa bagang ko. kunwari bagon pasta. 🙂