ACCORDING TO YOYOY VILLAME

according to our geography, the internet is a great country

ang internet ang “great equalizer”. yan ang maganda rito: lahat tayo pantay pantay. walang puti o itim o kayumanggi. walang mayaman at mahirap. di natin nakikita ang mukha ng isa’t isa kaya wala tayong notion ng kapogian o kagandahan. di ka rin kailangang maligo o magsuklay o mag tooth brush para makiharap sa mga tao. nagpapalitan tayo ng mga istorya nang walang mga distractions na minsan bumubulag sa atin. eh ano ngayon kung pandak ka, o mataba, o tigyawat ka na tinubuan ng mukha. eh ano ngayon kung biglang may sumulpot na betlog sa noo mo. it does not matter. if there is such a thing as “it’s all in the mind” then this is it baby. hahaha – mind over matter! to put it simply, it’s the mind that matters.

simple lang: upo ka lang sa harap ng computer. i-type kung anong gusto mong sabihin sa isang site o kaya sa email. kahit sinong may computer sa kabilang dulo ng mundo ay makakabasa nito. nagkakaroon siya ng opinion at pwede siyang sumagot. hindi kailangan ng appointment. hindi kailangan na boss ka ng isang companya o magandang pedigree mo. kung mayron kang gustong sabihin, ang buong mundo ay ang iyong audience.

ito ang dahilan kung bakit gusto ko ang internet: isang araw, makakatanggap ka ng sulat galing sa isang taong walang kinalaman sa iyo. ikukwento niya sa iyo ang kanyang buhay… yung relasyon niya sa kanyang daddy at makakaapekto ito sa iyo, in a personal way. eto pa: araw-araw, makakabasa ka ng mga kwento ng kasiyahan at kalungkutan galing sa iba’t bang taong di mo pa nakikita sa buong buhay mo, and it too, affects you in a personal way.

the whole world is a village. while we live our separate lives in some corner of the world, we still remain in touch. like living in a village, we get to know each other little by little and pretty soon we enter into each other’s lives.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *