A wooden bed is better than a golden coffin

ok. unti unti nang nakukumpleto ang mga gamit sa apartment namin. kagabi nagpunta kami ne jet sa Levitz para bumili ng coffee table at saka mattress (hindi yung ovary, gago – yung kutson na nilalagay sa kama). siyempre pag bumili ka ng coffee table, kailangan may kasamang (hindi coffee gagi) – kailangan may kasamang sofa. pag bumili ka ng mattress, kailangan mo naman ng kama. mahal pala ang mga furniture dito sa merika. pero maganda naman ang quality. ang dami ngang mapagpipilian kaya pag hindi ka nag ingat, kung ano ano nang mabibili mo. gigising ka na lang isang umaga, ubos nang lahat ang pinagputahan mo.

ang sikreto sa pagbili ng sofa ay nasa actual test. kailangan pag upo mo, medyo lulubog ang iyong katawan. tapos, pag bigla kang nakaramdam ng pinagsamang di maipaliwanag na kaligayahan at antok – bilhin mo na ito dahil siguradong maganda ang sofa na iyon. ganoon nga ang ginawa namin. muntik na nga akong nakatulog, bigla lang akong napatayo dahil naririnig ko na ang sarili kong humilik.

ispokening of pag hilik, ang sikreto naman sa pag bili ng kama ay ito – siguraduhin na pag higa mo ay lapat sa likod mo sa kutson. not too firm as to be too uncomfortable, not too soft naman para lamunin ka ng kama paghiga mo. tandaan parati ang kwento ni goldilocks – kailangan just right. importante ito para hindi ka mapipilayan, pag nag patambling tambling ka during acrobatic sex.

naalala ko tuloy yung kaibigan ko – parating pumapasok sa opisina ng may black eye. ang malimit niyang dahilan eh nahulog daw siya sa kama dahil masyado raw itong malambot. bwakanginangyan, sabi ko – “huuu, ginulpi ka lang ng misis mo, ayaw mo lang aminin”. dito siya biglang titingin sa malayo at medyo maluluha. ang buhay talaga ng mag-asawa ay bittersweet na minsan painful (lalo na pag nagulpi ni misis).

darating na itong weekend yung inorder namin. yung sofa at kama muna this friday. mahuhuli raw ng 1 month ang headboard. di ko nga alam kung ano ang magiging hitsura ng kama na walang headboard. pero sa ganang akin naman eh, as long as pwede itong tulugan at gulungan, ok na ito.

23 thoughts on “A wooden bed is better than a golden coffin

  1. Actually bosing, mas maganda ang walang headboard. You can use all edges of the bed, kuong saan ka man abutin. Pag may headboard, minus isang corner na. Kung wala, pwede mong ilagay sa gitna ang kama at kahit anong anggulo ang gusto mo, swak!

  2. nanumbalik tuloy sa alaala ko nung namimili kami ng asawa ko ng gamit sa bahay… ang lakas makaubos ng pera. yung sofa na nabili namin sobrang sarap upuan at higaan kaya nga malapit na masira dahil doon kami palaging… humihilata pag nanonood ng tv sa sala (ewan kung paano kami nagkakasyang dalawa dun sa sofa)

  3. sabi ni ate ko dyan daw pwede ka bumili ng furniture, then… the following year ka na mag start mag hulog? is it true? buti nagising kayo sa hilik nyo… ako ende kahit gaano kalakas ehehehe

  4. bosing,
    maganda nga ang parnichoor jan sa levitz. kami ni P, ikea whores kami, we speak conversational ikea, palibhasa kasi mura saka pang apartment talaga.
    mauubos ba ang pinagputahan mo? ay siya, ibubugaw kita dine sa east coast. swak na swak ang pwet mo dito, hehe.
    have a great week ahead. at sana makachika tayo pagbalik ko.

  5. hi jop.

    tanggap namin ang message mo sa telepono. ikea adik din kami ni jet. sarap bumisita talaga sa tindahan nila. lalo na pag mga kitchen showcase. mayron nga roon na gusto ko nang bilhin kaya lang naalala ko wala akong ganoong kalaking pera at ngyehehe – wala naman kaming bahay.

    gudlak sa kanada – sana ay enjoy kayong lahat. sige nga’t ibugaloo mo ako – tingnan ko lang kung magkano ang street value ng pwet ko.

  6. Subukan mo yung ginawa ko kahapon mylab. Magspend ka ng 5 hrs sa Walmart, with the intention to buy ha… kakapagod pero ang sarap… hehehe.

    Thank you for my field trip ha. Labyu!

  7. hi roselle.

    kasi kyut ang asawa mo at compact kaya kayo nagkakasya sa sofa. ngyehe. kami man ay may maliit na two seater sofa sa antipolo. di ko lama kung paano ako nagkakasya roon pag nakahiga at nanonood ng darna.

  8. fafajay nakakatuwa naman yang adventures nyo ni jet sa calif. grabe ang mahal ng rent ha! well at least, settled na kayo at last.

  9. hi yasmin!

    how are things over at your part of the world? miss ko na ang south east asia. i miss singapore and the philippines. i miss the sound of rain. it doesn’t rain in southern california.

  10. isa-suggest ko nga yung ikea meron na palang nauna. okay yung levitz sa selection, pero overpriced sila (you’ll end up seeing the same things in smaller places for cheaper). pero meron ngang deal ang levitz (at least dito sa norcal), na you can start paying 3 or 4 years from now. they’ll let you take the stuff home right away, promise!

  11. Langhya’t kalahati ka Tyong, madalas akong bumisita sa teritoryo mong ito, kaya lang di ako makasulat at di ko mahihinto ang kahihirit ng tawa sa yong mga kababalbalan o kababalaghan ba yun (suri, cafamfangan ini). hemingwei, ay em syur seteld na kayo ni jetski… kayo pa!

  12. yes vangie, i was just told na mas makakamura kami for instance sa mattresses if we just looked at the penny saver magazines. but jet and i are happy about the items that we got and that’s the most important thing. natulog na nga kami kagabi sa bagong kama. ang sarap!

  13. I live in Cebu City, Philippines. Where can I purchase a memory foam mattress? Please reply in English if you can. Thank you. –Larry

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *