A SOUND LIKE SOMEONE TRYING NOT TO MAKE A SOUND

ITO ANG INYONG UNKYEL BATJAY dear gentle reader, itutuloy ko na yung pagsagot doon sa 2nd question mo: masarap bang mag abroad? hmm… kahapon ko pa iniisip yan eh kaya nga muntik tuloy mauntog yung ulo ko doon sa poste ng bus stop. well, mahirap ang buhay abroad – wala ka sa sariling bansa and out of your comfort zone. tapos mahirap makisama sa umpisa dahil maraming mga cultural at procedural differences, and you need to look beyond this to make your stay worthwhile. isa pa: may mga language barrier at iba ibang sensibilities relating to this. for instance – sa opis namin, ako lang ang hindi intsik. nahihirapan ako at minsan napipikon pag nag iintsikan sila sa harapan ko, lalo na pag sabay sabay kaming kumakain pag lunch. minsan tuloy gusto kong isigaw: “PUTANGINA NAMAN, PAKI PASA NGA ANG KETCHUP!

but generally, maligaya ako. masuerte nga ako at may choice akong mamili kung saan ako maligaya. people spend their whole lives finding happiness and fail. some people don’t even have a choice to be happy dahil hirap silang maghanap buhay. at yun siguro ang suma ng pag abroad ko – maligaya ako kasama si jet. maganda ang tirahan namin sa isang bansang malinis at safe. kung wala lang censorship dito at payagan na nilang magkaroon ng mga topless beach ay pwede na sanang tawaging paradise. hehe.

marami akong mga wishes siyempre. hindi mo naman makukuhang lahat ang gusto mo. halimbawa, gusto ko: kasing laki ng kay john holmes ang titi ko, eh hindi naman pupwede. pero sa tutuo lang, ang isang di ko kayang maisakatuparan ay ang makasama ang pamilya ko’t mga kaibigan sa pilipinas on a regular basis. yun lang ang regret ko. the only one. well, gusto ko rin may magaling na barbero na gugupit ng buhok ko tulad sa pilipinas.

while we’re on the topic of overseas workers. pag usapan din natin, gentle reader, ang mga payo na ibinigay sa akin ng mga naunang mga OFW. mayron akong kaibigan, si uncle jim na nagtrabaho sa malaysia ng mahigit 15 years. ito ang sinabi niya sa akin – “pareng batjay, tutal aalis ka na ng pilipinas, eto ang maipapayo ko sa iyo, as one OFW speaking to a potential OFW”…

UNA: pag mangungulangot ka, huwag mong gagamitin ang iyong hinlalaki at magdurugo ang ilong mo.

IKALAWA: do not spend more than you earn. huwag mong unahin ang yabang batjay. turuan mo rin ang mga kamag-anak mong tinutulungan sa pilipinas na magtipid. hindi naman tayo tumatae ng pera.

IKATLO: make sure that you have saved 6 months worth of income in the bank. ang buhay ng isang OFW ay fickle. walang security of tenure at maari kang mapauwi ng wala sa oras. yung 6 month na pera sa bangko ang safety money mo para mayron kang panggastos habang naghahanap ka ng bagong trabaho.

IKAAPAT: don’t burn your bridges in the philippines. be in constant contact with people who are in the same line of business. ito ang fallback mo pag di ka na makapag abroad. ang mga local contact mo ang magbibigay sa iyo ng trabaho.

IKALIMA: huwag kakain masyado ng mga spicy food at baka magaya ka sa mga kapatid nating may anghit.

yon lang muna gentle reader. sana may natutunan ka kahit papaano. hanggang sa muli. i hope makapag decide kayong maigi ng asawa mo. ingat na lang.

nagmamahal,
batjay

22 thoughts on “A SOUND LIKE SOMEONE TRYING NOT TO MAKE A SOUND

  1. nyahaha! ang puso mo. nakakainis noh? nakaka-out of place. pag may regional conference ako, parang united colors of benetton. may aussie, may singaporean, taga-hk, vietnamese, taga-png, etc… pag nagmamandarin na sila, quiet na yung iba. ako din, quiet na.

  2. John Holmes, ha? hehe

    Actually, lahat pa rin ng situation may advantages and disadvantages ano? the key is finding more advantages than the disadvantages. At compare the quality versus quantity of each one. Hirap ano?

  3. tunay na mahirap tito rolly. kaya kung di natin makamtan ang mga john holmes dreams natin ay makuntento na tayo sa magandang trabaho, madangdang tahanan at pamilyang maligaya.

    PERO, mangarap pa rin tayo. di dapat makuntento sa pangit. mediocrity should be shunned at all costs.

  4. ako kating kati na magabroad at mag-aral. ARGH! work and study and live alone.. lagot.. kaya ko ba yon. Lord ikaw ang bahala sakin.

    Isa pa, fafa jay, finally alam ko na ang amoy ng isang taong.. emmm may anghit na kakaiba lang talaga ang amoy. It’s not that i’m racially discriminating anyone pero ngayon lang ako na stuck sa isang elevator na may isang bumbay na babae na mukha namang malinis na kakaiba ang amoy. Muntik na ako matawa ng malakas dahil yung tatay ko napapikit sa baho. Pati siya muntik na matawa.

    HAHAHA! natatawa pa rin ako hanggang ngayon. :-p

  5. Nabanggit mo Batjay ang salo-salo nyo sa opisina, naalala ko tuloy noong bago ako sa HK at nagla-lunch kasabay ang colleagues. Napilitan akong magpraktis ng chopsticks sa bahay. Pa’no nakakadalawang subo pa lang ako naka anim na sila eh share kami ng mga ulams kaya lugi ako. Doon ko rin nakita na karamihan sa kanila niluluwa/binubuga na lang yung buto ng kinakain sa mesa – minsan tumatalbog-talbog pa! hehehe! Pero miss na miss ko talaga ang pagkain sa HK sarap sarap – haay kelan kaya uli ako babalik?

  6. sapul na sapol mo ang mga sentimiento nating mga OFW… dito sa saudi ang sistema ay kontrata ang tinatapos at hindi ang trabaho.

    speaking of john holmes..maraming kabayan rito na nagpalagay ng humps (hindi na bolitas!) para mala john holmes daw ang effect…kaso mag jajackol lang naman…hehehe..

  7. hi tanya! hehe… ganyan talaga. one man’s poison is another man’s desire. ano?

    masarap ngang makikain ng grupo sa mga chinese ate celia kusinera. enjoy rin kami rito dahil parang mga pinoy rin sila pag salu salo. may mga differences nga lang – ie. walang mga serving spoon, shared ang mga bowl, etc. na minsan mahirap makasanayan. marami akong kwento sa chopsticks. di bale, in a futre blog siguro.

  8. Sir Roland.

    Teka lang, paki brief mo nga ako tungkol doon sa “humps”. bago yan sa pandinig ko. ang alam ko nga lang doon sa mga pinoy sa saudi ay nagpapalagay ng bulitas, pero yang humps na yan eh nakakaintriga. hehehe… parang gusto ko tuloy magpalagay.

    Ingat diyan!

  9. oo nga!! nakakarelate ako dyan!!! nung una rin ako dito para akong tanga pag may salo salo!!! kaya laklak na lng ako ng masasarap na wine! hehehe!!!

  10. BatJay: Cool ka lang, but just COVER your food at baka talsikan ng mga chekwang yan ng laway…ma-food poison ka pa.
    Or???? sumigaw ng PI-LEEES! I-SHA-TAP! LOL

  11. ok naman silang kasama justice. in fact masaya rin naman – di naman ako tatagal ng 3 years (so far) kung di sila ok. yung nga lang, nakakalimutan nila na may pinoy in their midst.

    minsan nga nakakalibre pa ako ng sugar cane juice.

  12. naalala ko ang unang trabaho ko dito ay para mag train ng users sa SIA. hala, bira ng bira ng ingles! akalain mo, mas magustuhan pa ng mga hapon, aussie at puti ang baluktot kong ingles ko kesa sa kasamahan kong chingket! mwehehe.

    isa pang karagdagang lesson: no guts, no glory. kung matapang ka makipagsapalaran sa pinas, mas matapang ka dapat pag nasa ibang bansa. di ba unkyel? 😉

  13. Tutoo lahat yung payo sa iyo nang naunang OFW. Kala kasi ng karamihan mayaman ka na pag alis mo ng Pilipinas. Biruin mo yung mga iba, inipon ng isang taon, pag-uwi ipapainom lang sa mga kasamahan? Meron akong kilala, nabugbog ng asawa, paano kasi pati ipon, napulutan ng mga kaibigan..hehe

  14. hi tingaling.

    marami rin akong kilala na mga nag abroad pero walang naipon. tapos yung mga anak ay nagwala at ang asawa ay nagtapon. bad yon.

    bottomline – get your priorities straight and everything will fall into place.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *