A question that sometimes drives me hazy: am I or are the others crazy?

ITO ANG HITSURA KO PAGKATAPOS MAGLANDING NG EROPLANO KANINANG MADALING ARAW katulad ng sabi ni tito rolly, pangkaraniwang mukha ko ito. in effect, inaayos ko lang ang sarili ko pag may kaharap na ibang tao at front ko lang yung guwapo kong mukha para sa mga bisita. this is also the face you see pag stressed out ako o malungkot. ganito ang mukha ko nang lumabas sa eropplano kanina. sobra sigurong jet lag. isa pa miss ko na ang mylabopmayn kong si jet na naiwan sa sacramento. ano ba yan – “jet” lag both literally and figuratively. di bale sandali lang naman. sana pag balik niya ang bumalik din ang dati kong anyo. may magkakagusto kaya sa akin kung ganito ang mukha ko? may kakausap pa kaya sa akin? what would you do kung may kumatok sa bahay ninyo na ganito ang mukha at sinabing – “sa department of health po ako nagtatrabaho. gumagawa kami ng survey tungkol sa condom at sa iba’t ibang mga family planning methods. pwede po bang tumuloy?

16 thoughts on “A question that sometimes drives me hazy: am I or are the others crazy?

  1. Hi Batjay, napagawi ka minsan sa blog ko di man lang kita na hello, pasensya na. Just want you to know na enjoy ako sa blog mo pare….heto ‘yong blog na nagpapakita ng totoong mukha ng buhay…blog ng buhay at buhay na blog…mabuhay ka pare at ang sanlaksang kagaya mong mga tunay na bagong bayani…

  2. Hello mylab. Kahit magkalayo tayo, kumpleto na valentine’s ko with your humor that’s ever present and alive kahit nasa malayo ako.

    Near or far, I just love the way you are. Ingat ka dyan and labyu! πŸ™‚

  3. Ground Control…Greetings From Mars…You have a unique face Batjay, like that of Jim Carrey which he can distort to look so ridiculous. It’s a skill and talent you know.

    About my face, the first time i saw Brad Pitt on the movie screen,i was surprised and belched out,”Whooah, Am I looking at myself in the mirror!”. The scene was a back view of Brad Pitt in the movie “Seven”.

  4. hey major tom. thanks for dropping by. mars ain’t the kind of place to raise your kids… in fact it’s cold as hell. i loved that 7 movie. kevin spacey was reall scary as the serial killer. simple lang pero rock ika nga ng mga jeproks sa pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *