A peasant will stand on the top of a hill

dear unkyel batjay,

mayroon po akong tru-to-layf story. nakakahiya mang aminin e nangyari din po sa akin na umalis ako sa bahay na bukas ang zipper. horror story talaga ito na halos kaparehas ng open zipper story na nangyari sa iyo. ano pa magagawa ng byuti ko e huli na nang malaman kong kita nila ang bikini kong itim?

maraming salamat at gumagalang,
gentle reader

dear gentle reader,

actually, nangyari na rin sa amin yan during one homeowners meeting sa subdivision namin sa novaliches. may isang manang doon na naka duster ang nagtaas ng paa sa silya. nakita tuloy ng lahat ang bikini niyang itim. nang maglinaw ang aming pag-iisip after the initial shock, napansin namin na hindi pala ito bikining itim – wala pala siyang panty.

naikwento ko ito sa iyo gentle reader, dahil may aral ang bawat pangyayari sa ating buhay. sa pagkakataong ito, ang moral lesson ay: “hindi lahat ng bikining itim ay tutuong panty”. yon lang muna at salamat sa pagsulat.

adios gumbay,
unkyel batjay

13 thoughts on “A peasant will stand on the top of a hill

  1. kamusta kayo ni jet jan sa cal? taga notre rin ako batch 87 at enjoy kaming mag asawa sa pagbasa ng mga isinusulat mo. tuwing gabi, hindi kami natutulog hanggat hindi namin nabasa ang blog mo. 🙂

    ps..tuwa kami sa reunion nyong mga damers kasama si mr. guerra.

  2. Bosing, medyo nahirapan akong pagdugtung-dugtungin yung title at ang kwento. Sa third reading ko na nakita yung connection. Bilib talaga ko sayo. Kaya naman idol kita e. hehehe

  3. joyce, hindi naman ulyanin yung manang. she was actually the owner of the house. ang hula ko eh gusto niya lang magdamit casual so she just put over a duster after taking a shower. siguro mainit nung time na yon kaya di siya nag underwear. ngyehehe. kailan ka pupunta rito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *