A PASSAGE TO INDIA

Kakadating ko lang galing ng India. Mahigit isang linggo ako sa init, alikabok at mabangong simoy ng hangin (hehehe). Height ng Summer ngayon doon at umaabot ng 43 degress C sa shade at mahigit 50 degrees C sa direct sunlight. Isipin mo na lang kung anong pakiramdam kapag sumakay ka sa kotse na nakabilad sa araw sa India… Akala ko mainit na sa Pilipinas, mayroon pa palang mas malala. Piso na lang, impyerno na. Niyaya nga akong mag-golf ng Distributor – tumaggi ako. Next time na lang… mga winter time malamang (hehehe). Pero nag 2 bottles kami sa golf club nya sa Delhi. Spoiled din ang mga golfer doon: may 2 taga-hanap ng bola, 1 caddy at 1 taga-payong at taga-hawak ng flag. Parang may basketball team ka sa fairway.

Accidental Tourist… yan ang buhay ng katulad nating byaherong engineer at salesman. Pag may chance na pumuslit sa mga tourist site, pinupuntahan natin (pero di sinasadya) – Parating aksidente nga eh. Nakapunta rin ako sa Taj Mahal dahil may cliente na nag-cancel ng appointment. Hehehe… Nalibot ko ang Delhi, Calcutta at Mumbai: by car, train and eroplano. Masarap ang biyahero na hindi turista: at least ibininigay sa iyo ang tutuong litrato ng isang lokasyon… hindi scripted na package tour. Nakikita mong lahat ang nangyayari sa paligid mo. Nakikita mo ang masama at mabuti, tama at mali sa isang lugar at tinitimbang mong lahat. Iba rin ang India, mayaman sa kultura at history pero mahirap ang mga tao… parang Pilipinas na hindi parang Pilipinas. hehehe… does it make sense?

Naisip ko nga, swerte pa rin tayo kahit papano. Mayron tayong chance na paunlarin ang buhay natin through sipag ang tiyaga. Pano mo ito masasabi sa mahigit isang bilyong tao na walang direksyon ang buhay? Nakatira sa mga tent at slum area, ni hindi nila alam kung papano at saan kukuha ng kakainin para sa pamilya nila. Hopeless and without options – pag pinagsama mo itong dalawa, mas maigi na sigurong tumalon sa Pasig River na may hawak na mabigat na bato.

Sa W___ ako ata ang may mga adventurous na area: india, pakistan, indonesia, philippines, sri lanka… hehehe. The Latak of the Asia-Pacific Region. Pero pag tiningnan mo, mas maraming magagawa kahit may gulo. Di rin naman mahirap mag-cover: actually mas magaganda nga ang mga hotel sa India at Indonesia. Mas maganda ang pakitungo sa iyo dahil pinipilit nilang pagandahin ang lahat ng nakikita mong pangit. Magandang halimbawa: sumakay ako ng train from Calcutta to the Steel Capital of India called Jamshedpur (4 hours) which is owned by the Tata Group of Companies. Pag labas ko may nag-abot sakin ng bulaklak, dinala nila ako sa hotel, pinakain at pinakilala sa mga big boss, pinag-salita sa auditorium na puno ng mga pinakamagaling sa India sa Steel Manufacturing, free tour sa steel museum at planta. Hehehe… yung bulaklak ang di ko makalimutan, ngayon alam ko na ang feeling ng isang celebrity. hehehe…

Kapag palayo ka ng palayo sa mga nakagisnan mo, habang dumarami ang mga mga nakikita mong bago, kapag humahaba na ang panahon na di ka nakakatikim ng pagkaing gusto mo… hinihila ka nang pabalik. Ang isang magandang dulot ng pagbyahe ay nararamdaman mo kung anong ibig sabihin ng “pag-uwi”… gusto mong marinig ang ingay ng Maynila, gusto mong matikman ang tapsilog sa umaga, gusto mong murahin ang mga bobong driver sa kalye, gusto mong makita si Ping Lacson at Tessie Aquino-Ureta sa TV at pag-untugin sila, gusto mong singhapin ang hangin na puno ng usok at alikabok. OFW na ako! Bahagi ng mahigit 2 milyong Pinoy na papunta’t pabalik sa Pilipinas… Alam ko na kung papanong sigaw-sigawan, bastusin at tratuhin na parang bobo ng mga tao sa airport.

Pero, kahit anong pangit ang makakagisnan mo at kahit ano pang marinig mo, uuwi ka pa rin… Hehehe.

Happy Labor Day! Today is my 1st year anniversary since I resigned from I__.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *