A – N – G – S – T

yung unang araw ko sa singapore as a “native” was the most angst ridden time i had ever felt in my entire stay here. pagtapos kong mag check-in sa hotel, dali-dali akong pumunta sa opisina. at dahil feeling native, namasahe lang ako – sumakay sa train at bus at tuluyang naligaw.

pagbaba ko ng bus, bigla akong nakaramdam ng matinding pagkalungkot – yung loneliness na binalutan ng depression, almost to the point that i was having thoughts of going back that day. back to my family and friends. back to my old job. back to everything that was precious to me. i was beginning to have serious doubts about this move. feeling ko eh, i made a major blunder.

eventually, i was able to ask directions na di ko maintindihan dahil “singlish” ang salita:

singaporean: “you go strit ahet!”
batjay: “huh, ahet?”
singaporean: “strit ahet! strit ahet!” (with matching turo ng kamay at nguso)
batjay: “ah, straight ahead”

nakita ko rin yung building namin. pagpasok na pagpasok ko sa opisina, sabi ng boss ko sakin: “why are you wearing jeans? our dress code here does not allow jeans“.

muntik ko nang sabihin sa kanya – “packingsheet naman eh, sana man lang ‘welcome to our company’ muna. kakalanding lang ng eroplanong sinakyan ko, di pa nga ako nanananghalian. dumeretso ako rito para lang makapunta sa opisina on the day of my arrival, sisitahin mo ako sa pantalon ko?” – pano ba inglisin to?

pero pagtagal, nawala rin yung lungkot. napalitan nga lang ng longing. di na kasing pait, pero punong puno pa rin ng mga “sana kung…”

sana kung patas lang ang labanan sa pilipinas, di na ako aalis para kumita ng pera.

sana kung maganda lang ang palakad ng gobyerno, sipag lang ang kailangan sa pag-asenso.

sana kung guwapo ako, pwede sanang mag-artista at tumakbong presidente ng pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *