A HEALTHY SINGAPOREAN LIFESTYLE

Ako di na rin umiinom… wala kasi akong kainuman eh. hehehe… mabuti na rin at na-co-control ko na yun. Yung pagkain ko rin medyo controlado ko na ever since dumating ako from the Philippines last February. Napansin kasi ng mga kapit bahay ko na malaking tinaba ko. Napansin ko rin kasi nahirapan nakong yumuko… hehehe. At saka, di ko na masara ang mga pantalon ko ng maayos. At saka, ang sama ng hitsura ko kapag naka tuck-in ang polo shirt – bumubuka ang mga butones sa bandang tiyan. Hehehe… bihira na rin akong kumain ng prito at ng karne (walang northern meat dito sa singapore, di ko alam kung bakit). Puro fruits na lang sa gabi o kaya seafood o kaya soup. Kadalasan Seafood Soup. Hehehe… wala kasing fruit soup dito eh. Seafood Fruit? Wala rin. Sea Coconut na Dessert meron!  I digress.

To continue:

Ngayon araw-araw na akong tumatakbo, este, naglalakad ng mabilis. Hehe… brisk walking, ika nga. 30-45 minutes every morning. Ang routine ko every day:

Gising ng 6 AM

Coffee while watching CNN till 6:30

Jog till 7:00 AM

Ahit (hindi ahit ng kilay ha!)/Ligo hanggang 7:30.

somewhere in between is my “may i go out”…
patugtog ng konting pampagana habang nakikipag… usap kay Jet

alis ako ng bahay ng 8 AM (ang sarap pala ng malapit ang bahay sa trabaho!

Pero mas masarap kung sa bahay nagtatrabaho!! Pinakamasarap yung maraming pera at walang trabaho!!! hehehe… but I digress uilit.)

dating office ng 8:20

8:30-5:30 AIDS…hehehe

alis opis ng 6:30

dating bahay 7:00

Kain, nood TV, Surf the net hanggang 9:00 PM

Basa libro hanggang makatulog… hehehe

Ngayon – lalo akong tumaba! Hehehe… hindi, lumuwag nang mga pantalon ko. Pero kulang pa – siguro by December, pwede na ulit akong mag bathing suit at apply na macho dancer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *