A good name is a second inheritance

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE CHICAGO. isang immigrant galing sa hong kong ang nagpalit ng kanyang pangalan dahil hindi na nito matiis ang sobrang pang aalaskang inaabot niya.

si Fuk King Kwok ng chicago ang nagpalit ng pangalan dahil sa sobrang dami ng nang iinsulto at nang aasar sa kanya. nagsimula ang panunukso sa kanya ng una siyang kumuha ng drivers license dito sa america. natawa ng malakas ang nasa counter ng DMV at sinabihan siya na mayroon siyang kakaibang pangalan.

nagbayad na lang si Fuk King para mapalitan ang kanyang pangalan nang hindi na niya makayanan ang sobrang pang aalaska galing sa mga taong nakakahalubilo niya. ang kanyang bagong pangalan ngayon ay “Andy Kwok

bayan – ang moral lesson ng balitang ito ay: kung ikaw ay isang parent na may bagong panganak, siguraduhing hindi bastusin ang kanyang magiging pangalan.

ANG BALITANG ITO AT ANG PODCAST PARA SA MGA SUMOBRA SA PAG MARIANG PALAD AY INIHATID SA INYO NG “BIRCHTREE HOLLAND POWDER MILK, ANG GATAS NA MAY GATA. ITO ANG INYONG TAGAPAG BALITA, BEN T. LADOR”.

13 thoughts on “A good name is a second inheritance

  1. medyo malas nga yata yang taong yan ano? Kasi kahit dito siya sa Pilipinas, medyo me sabit pa rin yata yung pangalan nya, medyo subtle nga lang ng konti.

  2. may kilala akong lalaki tumandang binata kasi ang apelyido ay SUPSUPIN,
    at may inaanak ako ikinasal ang naging pangalan ng babae ay NANCY SINDAC,di naman under yung lalaki…
    NAKISALI LANG PO…SALAMAT

  3. fuk king siyet.. hahaha.. natawa ako don..

    naalala ko tuloy yung kakilala ng erpats ko.. ang pangalan niya george gago.. nagpapalit ng pangalan, ngayon siya na si joseph gago..

    wala kang magagawa.. gago talaga eh… hehehe…

  4. Hirap talaga kapag mabantot ang apelyido, katulad ng ilang kilala ko. Merong Jalimao, Labatete, Subing-subi, Cepillo at kung anik-anik pa.

    Poor people!

  5. Hirap talaga kapag mabantot ang apelyido, katulad ng ilang kilala ko. Merong Jalimao, Labatete, Subing-subi, Cepillo at kung anik-anik pa.

    Poor people!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *