A GENEROUS CHIN

dear unkyel batjay,

gusto ko lang pong sumulat sa inyo dahil sa problema ko. medyo mahaba po kasi ang baba ko kaya parati na lang akong inaalaska ng mga kaibigan ko – “ali baba, ali baba”. araw-araw na lang ay naririnig ko ito at naiinis na ako. ano po ba pwede kong gawin?

nagmamahal,
gentle reader



dear gentle reader,

pwede kang mag-apply ng trabaho sa hotel. taga tiklop ng kumot.

ingat,
unkyel batjay

14 thoughts on “A GENEROUS CHIN

  1. wahaha.. natawa ako dun sa open and close parenthesis…

    bago yun ah.. alam ko kuya jay, kapag nagpupunta ko dito sa site mo, o kaya kapag nakikita ko mga pictures mo, naalala ko si rex navarette. may hawig kasi kayo.. pero mas nakakatawa ka sa kanya..

    siguro kung magkakwentuhan tayo minsan, either mamatay ako sa kakatawa o sa pikon.. ehehe..

  2. tol, I just found out that you are now based in socal. By this time well adjusted ka na and enjoying the best weather sa amerika.

    BTW, my ex-girlfriend(misis ko na ngayon) and I will be in Irvine on sunday to attend my son’s college graduation at UCI. Malapit sa mission viejo ito.

    In the future magEB tayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *