karaoke tip #1: pag may nag request sa iyong kumata ng “sometimes when we touch”, sapakin mo
karaoke tip #2: bago kantahin ang “i’ve never been to me” kailangan munang ipaliwanag ng singer kung ano ang ibig sabihin ng “I’ve spent my life exploring the subtle whoring that costs too much to be free”
karaoke tip #3: pag kinanta mo yung “cuando, cuando” ni engelbert humperdinck (bless you!), kailangan may kasama itong sayaw na semi cha-cha
karaoke tip #4: unang dinig mo pa lang sa “and now the end is near”, sumigaw ka na agad ng “pag di ka tumigil diyan hinayupak ka, totohanin ko yang kinakanta mo”
di ba delikado din kantahin yung ‘My Way’ lalo na sa pinas?
oo, pero ok lang kung yung version ng sex pistols.
eh ano naman gagawin mo sa kapit bahay mong madaling araw na eh nag videooke pa din?? :p
magtayo naman kayo ng balagtasan sa madaling araw para may counter point.
blockbuster pa rin sa mga kakilala kong construction workers yung
twiiiiiiiiiiiinty payb minits tu liyyyyyyyyyyyyyyt!
Kuya Batjay,
Pag nakarinig pa ako ulit ng rendition ng “Portrait of my love” hihimatayin na ako….
meron akong tito pagkinakanta yung quando, quando, eh may sobrang isa quando. nagiging apat imbes na tatlo pero swak pa den sa musik. hehehe. hindi ko alam kung alam nya bang 3 lang dapat o trip nya lang na 4x.