mga kinaiinisan

  1. mga babae na nagsusuot ng skinny jeans
  2. mga lalaking nagsusuot ng skinny jeans
  3. kahit na sinong putang-inang nagsusuot ng skinny jeans
  4. mga nagsasabi ng “it’s so surreal” dahil hindi nila kayang i-express ang sarili nila
  5. mga naka skinny jeans na nagsasabi ng “it’s so surreal”
This entry was posted in TOP 10 LISTS. Bookmark the permalink.

26 Responses to mga kinaiinisan

  1. Anton Deleon says:

    Kuya, buti na lang hindi ako nagsusuot ng skinny jean kundi nahaging ako sa post mo.

  2. Bebang says:

    Bakit naman soo against skinny jeans people? nakikiuso laang naman ako eh.

  3. dyezebel says:

    naku paano yan. lately parang lahat ng jeans ko kahit anong cut nagmumukhang skinny jeans. it’s so surreal.

    bwahahaha. pero oo nga tama ka.

  4. Barb says:

    I think guys who wear skinny jeans are worse than the women who wear them. I bought jeans at the Gap recently and the salesperson told me that some men buy women’s skinny jeans because they’re that skinny! Yuck.

  5. Anna May says:

    Hi. I was googling Ed Santoyo, who I happen to know through a friend during his La Salle days, and I chanced upon your blog. Do you have any contact information about him. Would really appreciate if you can share it. I have my email address above. Thanks…

  6. rolly says:

    pag ako nagsuot nyan, mukha akong suman kaya wag na lang din. HIndi ka pa maiinis sakin.

  7. kaye says:

    hahaha! buti na lang at di ako nagi-skinny jeans. kundi, nasapol ako…

    pero weird talaga ang mga lalaking nakaskinny jeans, yung CAD operator ng father ko, laging skinny jeans at bakya (yung parang mga bakya ng happy feet) at napakaweird nyang tingnan. di ko alam kung bakit siya nagsusuot. at di ko rin alam kung fad din ba yun sa mga lalaki.

    at ang it’s so surreal na yan! napaka-pretentous kasi kaya nakakainis!

    • batjay says:

      kausapin mo yung tao ng father mo. ipasuot mo yung skinny jeans ay bakya at ipasabi mo sa kanya – “it’s so surreal”.

      tingnan natin kung ano magiging reaction mo.

  8. dyiz says:

    hays salamat nakakita din ako ng taong ayaw sa skinny jeans

  9. Robbylyn says:

    Sama mo na rin yung mga naka uggs. Skinny jeans and uggs kahit mainit. Pawis na pawis siguro ang paa nila. Yak!

  10. StrayDog says:

    hah! I too hate people who go “surreal”. It’s up there for me when people use “literally” on something that cannot be done figuratively anyway.

    Like, I literally hate it when people do that!

    Oh.. wait! I just..
    Ooops..

  11. ray says:

    nauso ang skinny jeans sa mga lalaki dito sa Pinas. Kadalasan sinusuot ito ng mga emo, mga miyembro ng banda na nagsasabing iniidolo nila ang slapshock samantalang cueshe ang tinutugtog. At ng mga bading sa parlor. Yung tipong talent manager. yung tipo ni Vice ganda

  12. reigun says:

    buti na lang wala akong skinny jeans.
    pero nagsuot ako dati ng elephant pants at cargo jeans. tsk.
    wala pa naman akong planong makiuso sa skinny jeans. naiipit kasi ang badoodles kapag ganun eh.

  13. Nano says:

    Eh ba’t ikaw pare, nagsusuot ka ng skinny spandex o tights? ;)

    Okey lang magsuot ng skinny jeans kung may korte ang katawan at legs. Mas yucky yung mga matatabang nagsusuot ng cycling tights or shorts.

    Musta na?

    • batjay says:

      hehehehe… yung skinny spandex ko ay underwear.

      malamig na siguro diyan pre. nagpunta ako ng spokane last month kaya lang overnight lang. tatawagan sana kita kung medyo mahaba ang trip.

      • Nano says:

        Malamig na dito pero tuloy pa rin ang bisikleta – mountain bike nga lang. Every Thursday night sa iba’t ibang gubat (singletrack trails) sa mabundok na area namin – rain or shine. Mas madilim, mas maputik, mas masaya. Bike ako kahapon habang may ulan at halong snow kahapon ng gabi. Of course, naka-skinny spandex pa rin :)

        Layo pa rin ng Spokane sa amin. Mga 4 hours drive pa rin.

        Re: Windows 7 – little ‘r mo ako ng mailing address mo.

        • batjay says:

          ako rin, tuloy ang pag bike sa opisina kahit madilim at malamig. dami ko na ngang ride share points.

          dumaan ako ng seattle stop over dahil walang straight flight from orange county. inisip ko nga, sana sa seattle na lang ako natulog para nakainom tayo.

  14. cyber says:

    akala nmn nla bagay nla ang nka skinny para silang poste n nilagyan ng pantalon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>