natalsikan ng kumukulong mantika ang paa ko nung sabado. nagluluto kasi ko nung bago kong natutunang daing na bangus eh tanginang mantika yan, bigla na lang tumalsik ang nag landing sa paa ko. lapnos ang balat at masakit hanggang ngayon.
yan ang hirap sa mayroong diabetes. pag nagkaroon ka ng sugat, napakahirap pagalingin. pag nagkaroon ka ng sugat sa paa, tapos nang kumanta yung fat lady, hindi pa rin ito gumagaling. naka tsinelas nga ako ngayon sa opisina para nahanginan. ok nga eh. pag may nangulit sa akin ngayon, tsi-tsinelasin ko sa pwet.
ingat kaw unkyel. pag lumala yan, lalabas ang tren dyan o kaya kalabaw.
tinaniman ko nga ng monggo.
Fat lady? HP na HP ang dating. hehe.
I know the feeling. in 2006, ganyan din nangyari sa akin except that lahat ng pinagprituhan kong kumukulong mantika ang nabuhos sa akin at nasunog ang kaliwang hita ko. malaki ang damage na hanggang ngayon e kitang kita. pero di pa rin ako tumigil sa pagluluto. kelangan eh. mas careful na lang talaga ngayon…
ingat lagi!
i am careful kaya lang hazazrd of the trade, so to speak. i hope your burn wounds are a lot better now. must have been a bitch sa sobrang sakit.
yep a lot better though they’re now ugly marks on my leg, but well, life goes on.
yeah, twas a bitch and I hope i was not a bigger bitch during those times when it hurt so much. hahahaha!
they are just marks at, as we like to say, malayo sa bituka. isa pa, it doesn’t affect the soul.
Ang sakit nyan bosing. Matalsikan lang ako ng kapirangggot na mantika ang sakit sakit na, yun pa kayang nagsugat? Ingat bosing.
nalapnos nga. hirap pa sa ating mga diabetic, hirap magpagaling ng sugat.
unkyel, sana gumaling na agad ang sugat mo. buti na lang nandyan si Ms Jet, na siguradong mag-alaga sa iyo.
maraming salamat. oo nga, buti na lang may nurse ako sa bahay.
Kasalanan yan ng bangus, hindi ng mantika.
Buhay pa ata eh, pinirito mo na, hahahaha!
hindi naman. naghihiganti ata ang bangus dahil ginawa ko siyang daing.
okay lang yan malayo sa bituka eheheh