57 channels and nothin’ on

pinanood namin ni jet nung mga nakaraang linggo ang 3D version ng coraline ni gaiman at Up ng pixar dito sa aming munting multiplex cinema. impressed ako sa technology ng 3D ngayon. yung huli kong nood kasi ay nung mid 70’s pa at ang pinanood ata namin ay yung 3D version ng frankenstein.

para kaming mga siraulo sa loob ng sinehan ni dennis dahil iniilagan namin yung nahuhulog na bituka ng monster habang inooperahan siya ni dr frankenstein.  3D kasi kaya akala mo papunta sa mukha mo yung lamang loob. although novelty ito sa panonood namin ng pelikula, hindi ko na ito inulit dahil hilong hilo ako ng lumabas sa sinehan. besides, yung mga 3D movies nung 70s ay puro special effects lang and after a while, you get bored.

pero iba na ngayon, nag improve na yung quality ng 3D movies at hindi ka na naduduling sa panonood. wala na yung sakit ng ulo at hilo na mararamdaman mo pagkatapos manood. thankfully, in the case of coraline and Up, maganda yung story. hindi nila ginawa ang pelikula upang ipagyabang ang 3D technology. it’s the other way around – gumawa sila ng 3D version ng pelikula para mas gumanda ang viewing experience ng manonood. that’s a big difference.

what’s the point of technology? sa linya ng negosyo ko, importante ito. gumagawa ka ba ng produkto para i-highlight ang technology o ginagamit mo ang technology para gumawa ng magandang produkto? in most cases, it’s the latter where you get great results.

12 thoughts on “57 channels and nothin’ on

  1. me mga ganyan nga, sir. magkaminsan para maipakita kung paano gumana at gaano kaganda, daw, ang mga produkto, lalo na yung mga bagong labas, idadagdag sa BOM kahit di naman kailangan at wala sa specs. medyo nakakainis nga kung minsan kasi additional na engineering, at additional junction of error.
    ang mahirap pati, ibibigay sa’yo ang instrumento kasama ang manual, paganahin mo ng wala kang formal training, tapos ieexpect na me report ka kung paano gumana at kung ano ang mga low sides niya. heheheh

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *