But if I did, well really, what’s it to you?

nag bisikleta ulit ako ngayon papasok, as usual. kaya ko ito nagagawa ay mayroong gym na may showers sa opisina. siyempre, ayaw mong pumasok na amoy pawis, although marami sa mga mga kaopisina ko ang gumagawa nito, ie, hindi sila naliligo pagtapos mag bike at diretso na sila sa trabaho.

ang ayoko lang minsan ay pag nadatnan kong naksara ang shower curtains pag pumasok ako sa shower room. natatakot ako dahil na-i-imagine ko kasi parati na sa likod ng kurtina ay may taong nagbigti at pagbukas ko nito ay may makikita akong lalaking nakahubo na nakabitin sa kisame. para bagang si sid doon sa officer and a gentleman na nagpakamatay sa loob ng banyo. ay spoiler, sorry.

8 thoughts on “But if I did, well really, what’s it to you?

  1. ay hahahaha! minsan din naiimagine ko yung ganyan! Nung isang beses sa thailand, yung tinuluyan namin may design pa na hagdan sa banyo! andami kasing arte ngayon! sabitan lang ng tuwalya ginawa pang hagdan! tumatambling na utak ko kakaimagine ng kung anu-ano! halos tuloy di na ako maligo sa takot! hahaha! Naiimagine ko pa pag nag-shower ka may extrang kamay na makikishampoo sa buhok mo! hahahhaha!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *