Reductio ad absurdum

this weekend, eksaktong tatlong taon na kami ni jet dito sa america. parang kisap-mata lang. naalala ko pa nung pagdating namin, exciting at nakakatakot at the same time dahil hindi ko alam kung ano ang dadatnan dito sa amerika. pakiramdam ko, para kaming mga bagong panganak ni jet – walang kamuwang muwang sa takbo ng buhay amerika. naalala ko tuloy ang nakakatawang circumstances na typical na nangyayari sa mga tulad naming kakarating lang dito sa california.

ang isa sa mga unang problemang kailangan mong ma solve ay ang kotse. kailangan mo kasi ito para makagalaw at makapag trabaho.

  1. pero para makabili ka ng kotse ay kailangan mo ng driver’s license.
  2. para makakuha ka ng driver’s license ay kailangang ipasa mo muna ang driver’s test.
  3. para makakuha ng driver’s test ay kailangan mo ng social security number.
  4. para makakuha ka ng social security number ay kailangan mong magpunta sa social security office.
  5. para makapunta ka sa social security office ay kailangan mo ng kotse.
  6. pero para makabili ka ng kotse ay kailangan mo ng driver’s license

perfect catch-22. bwakanginangyan.

21 thoughts on “Reductio ad absurdum

  1. grabe, parang yung applicant na ayaw kunin sa trabaho dahil walang experience, na hindi magkakaroon ng experience kung hindi kukunin sa trabaho.

  2. Ahahaha! Tawa ako ng tawa ng mabasa ko ito. *LOL* Meron din namang cab at bus dyan para makarating sa pupuntahan. Hehe.

    Nandito na pala ako sa Singapore, Idol Batjay! Ang linis! Nakakahiyang magkalat. *LOL*

  3. naalala ko nung bago ako sa US Navy 22 yrs ago sa San Diego, I had to ask a relative if he had to could take time off from his work to accompany me to the DMV and used his car for the driving test so I could get a driver’s license. Dahil siguro pinagdaanan din nya, he was kind enough to to do it. And that’s how I was able to obtain the all important US Driver’s license.

  4. mabait na kaibigan at maalalahanin na kamag-anak naman talaga ang gamot sa catch-22.

    goodluck sa singapore, pare ko. i’m sure you’ll like it there.

  5. hehe, isang cycle na hindi mo makukuha ang loop para makapag umpisa no? Anyway, okay na kayo dyan at mukhang successful na ang pagkakadayo nyo no bosing. I’m happy for you guys.

  6. hahaha… love this blog.

    parang ano ang nauna…itlog o sisiw?

    the answer wud be a continues blah blah blah n wala nman kwenta basta mas masarap ang sunny side up n luto ng itlog….pero mas masarap ay ang itlog na may buhok, and that thing dat comes with it…

    ‘vicious cycle nnga?”

  7. makaka-3 years na pala kayo diyan, ang bilis ng panahon. parang kailan lang sinusubaybayan ko itong site mo paalis ka palang ng singapore. lurker lang ako. hehehe

  8. 3 years in the land of milk and honey after testing the waters in Singapore you come a long way from your mapua days when they are still tops in engineering first heard your voice on the radio sometime in 1986 when there are still no cellphone and internet as a sports fan in the radio program of the late Romy Kintanar or is it nap gutierrez then in dzsr anouncing on the air that you knows too much and talk like a dj because you have famous brother in the person of howlin’ dave as you exchange sports happenings with a female fan on the air…

  9. My apology for that mistaken identity its more than 20 years and you have similar deep voices ,halos plakado …anyway its still a deep booming voice your family’s trademark

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *