pasaherong bata sa eroplano

pag nasa eroplano ako’t may nagsasalita o umiiyak na bata, tinitingnan ko agad ang mga kasama kong pasahero. dalawa lang naman ang reaksyon nila: kukunot ang noo o ngingiti o matutuwa. dito sa amerika, maraming mga pasahero ang ayaw na may katabing bata. ako? ok lang na umiyak o madaldal na bata. ang ayoko lang ay kung may bata sa likod ko’t tinatadyakan ang silya ko. putangina, yon ang nakaka-asar.

may mga pangako pang tutuparin at milya pang biyahe bago pumikit

nagtapos ako ng kolehiyo nung 1988. pinalad naman akong makakita agad ng pagkakakitaan. nagbakasyon lang ako ng isang buwan tapos kayod na agad. di pa ako nagpahinga kahit minsan, di kasama siyempre yung mga bakasyon paminsan-minsan. dalawampu’t siyam na taon na pala. malapit na akong mag limampu’t dalawang taong gulang. at matagal pa bago ako magretiro. sana patuloy pa rin ang suwerte ko sa aking hanap-buhay. sana magpatuloy pa rin ang suwerte ko sa buhay.

 

Groper of Pussies

From GOP (Groper of Pussies) 

to GOP (Groper of Prepubescents)