ano sa French ang balbon? mademoisha. mwahaha (TV canned laughter).
Monthly Archives: March 2014
if you see her say hello
yung blood on the tracks ang isa sa mga paborito kong LP ni dylan. written with blood, sweat and tears, it’s the best break-up album of all time. listen to “if you see her. say hello” and you’ll understand why.
also watch californication season 1, episode 5. david duchovny explained it well.
groundhog day
deer prudence
the strypes
packingsheet, even i got as excited as letterman. the strypes rock.
persist in delusion
“It is far better to grasp the universe as it really is than to persist in delusion, however satisfying and reassuring.”
may katwiran ang mga katwiran nina tyson at sagan.
psychic airline
sabi ni mang boy, ayon daw sa prediction ni madam auring: makikita raw yung eroplano ng flight MH370 sa itaas ng mount arayat sa pampanga, katabi ng noah’s ark.
gusto ng tiyan, murang-mura
ang mga do’s and don’ts sa tamang pagdarasal #1
the returned
pinanood ko ang “the returned” sa netflix ngayong weekend. naaliw ako sa kwento ng mga patay na bumabalik sa mundo kahit na French pa siya at subtitled. bibigyan ko ito ng dalawang nakataas na hinlalaking may patay na kuko na nabuhay na mag-uli.
photoBomber Moran
madam auring
MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)
mahalagang balita: tutulong na rin daw ang pilipinas sa paghanap ng nawawalang malaysian airlines flight MH370. ayon sa isang senior official sa malacanang, ipapadala raw ni presidente noynoy aquino sa kuala lumpur si madam auring ngayong linggo, pagkatapos ng matanglawin.
ang balitang ito ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk – ang gatas na may gata.
National PI Day!
punk rock katsupoy
pagtapos kong magsuklay kaninang umaga, nagmukha akong punk rock katsupoy. iyan ang dahilan kung bakit agad-agad akong nagpasyang magpagupit.
vagabond
vagabond – isa sa mga unang complicated na salitang ingles na natutunan ko. nabasa ko kasi sa bibliya nung 5 years old ako na pagkatapos patayin ni cain ang kanyang kapatid eh sabi sa kanya ng diyos: “a fugitive and a vagabond shalt thou be in the earth”
tinanong ko sa mommy ko kung ano ang ibig sabihin ng “vagabond”. sabi niya, ang vagabond daw ay isang hampaslupang walang permanenteng tahanan.
“NPA?” ang sabi ko. oo raw, ang sagot sa akin ng mommy ko.
mula nuon, naging paborito ko nang ingles na salita ang “vagabond”