don’t cross

ang pinaka hindi sinusunod na sign sa orange county. tumatagos kasi ang mga trail sa mga kalye rito at gusto ng mga may kinauukulan na imbis na tumawid ng diretso across the street eh maghanap ka ng stop light na may tawiran at doon tumawid.

walang gumagawa nito.

ang magasawang arjun at selena

mayroon kaming kapitbahay na mga stormtrooper: ang magasawang arjun at selena.

unang nagkakilala sina arjun at selena sa buwan ng endor, nang mahuli sila ng mga ewok na nagnanakaw ng pakwan. dalawa ang naging anak nila – si hapreet at gulana. lumipat ang pamilya dito sa irvine kasi maganda ang school system at walang masyadong crime.

space oddity

ang dahilan kung bakit gusto kong maging astronaut ay para makanta ang “space oddity” ni bowie from outer space. kaya lang, nalaman ko na ako’y color blind at ang pangarap kong maging astronaut ay naunsyami.

pero salamat kay commander hadfield dahil tinutuo niya ang pangarap ko. i now live my dream vicariously through him.

Pho King Good

isa lang masasabi ko sa vietnamese food dito sa bayan ni micky mouse: it’s pho king good, at masarap din i-blow job ang goi cuon.

ang aking simbahan

eto ang simbahan, para sa akin. wide open trails kung saan makakatakbo akong mag-isa habang nakikinig sa musika o nagmumuni kung bakit pinayagan ni baby jesus na sumakay sa ark ni noah ang ipis, lamok at surot.