knives over forks over spoons

bakit ba yung mga amerikano, di marunong kumain ng kanin na gamit ang kutsara? parati kong sinasabi sa kaopisina kong si tom – use it like a shovel, you dumbass.

ang resbak naman ni tom sa akin, mag-aral daw akong gumamit ng kutsilyo sa pag hiwa ng karne. “don’t use a fork to cut your steak, you pilipino pansit eating madapaka”

song of the year 2012

song of the year para sa akin – pink’s Blow Me. medyo bastos the way real songs should be at mapapasayaw ka agad sa unang dinig pa lang. it’s the kind of song you want to hear if you’ve had a shit day, if you know what i mean. at dahil bastos ang lyrics hindi ito mababaduy kahit kailan – di ko siya maririnig sa mga elevator at supermarket, which is how i want my favorite songs to be. BWAHAHA!

beats gangnam style, hands down.

resolutions 2013

new year’s resolution #001: hindi ko na aalaskahin ang simbahang katolika pero kakain pa rin ako ng karne pag biyernes. hehehe.

new year’s resolution #002: mag-aaral ako ng chinese opera para makanta ang paborito kong karaoke song na “one night in beijing

new year’s resolution #003: hindi ko na reregaluhan ng barbell yung mga matatabang ka-opisina ko na nasa gym lang pag january

new year’s resolution #004: hindi na ako mag duduling-dulingan pag tinitingnan ng optometrist yung mga mata ko during my annual exams.

new year’s resolution #005: pag tumawag ang boss ko, hindi na ako sasagot ng “hello, you’ve reached suicide hotline, this is jay david, how may i help you?”

new year’s resolution #006: to improve my memory, kakabisaduhin ko lahat ng mga kanta ni april boy regino

new year’s resolution #007: tuwing makakakita ako ng pasas, hindi na ako magsasabi na nagpapa-alala ito sa akin ng ebs ng kambing.