instant karma

punong puno ako ng good karma ngayon. kaninang umaga, may hinabol akong ale na nakalimutang tanggalin ang card niya sa ATM machine. tuwang tuwa sa akin ang bruha, halos halikan ako ng lips to lips. magkano kaya ang pera sa account niya? hindi ko na inalam.

Pag Tumama Ako sa Lotto

  1. pag tumama ako sa lotto, ang una kong gagawin ay paputiin ang butas ng pwet ko para maganda tingnan kahit na sa closeup picture.
  2. pag tumama ako sa lotto, ang pangalawa kong gagawin ay magpa brazilian ng kili-kili.
  3. pag tumama ako sa lotto, ang pangatlo kong gagawin ay mag hire ng katulong na taga bukas ng butong pakwan.
  4. pag tumama ako sa lotto, ang pang-apat kong gagawin ay magpagawa sa mga scientist sa NASA ng diet pork belly na nakakagaling sa stroke.