bulsa?

pag labas ko sa bahay kanina, pilit kong hinahanap yung back pocket ng shorts ko para ilagay ang aking pitaka. kaya pala hindi ko nakita eh baligtad pala ang pagka suot ko at yung back pocket ko, napunta sa harap. bwakanginangyan.

nabuhusan ng kape

nabanggit ko na ba na nasira yung office laptop ko last month? nagtatrabaho kasi ako rito sa bahay, medyo inaantok at nabangga ko yung mug ng kape at natapon ang laman sa keyboard. to make the short story longer eh hindi ko na-save yung computer kaya kahit nakakahiya ay nag request ako sa boss ko na palitan ng bago. ang good news lang ay hindi na-damage ang hard disk kaya na retrieve ko lahat ng mga dokyumento ko.

fast forward a month later…

dumating na yung bago kong laptop. it’s a much bigger and more powerful machine. great graphics and lots of goodies. ang isa sa mga goodies na kinuha sa akin ng aming IT department ay hardened ang case kasi ginagamit ko ito sa mga business trip at ang pinaka importante sa lahat: splash proof ang bwakanginang keyboard.