Great Crowd of China



punong puno ng tao ang great wall of china kahapon. hirap ngang kumilos kaya ang ginawa ko na lang ay mag pose ng mag pose sa mga litrato ng may litrato. somewhere in china today, mayroong mga turistang intsik na titingin sa mga digital camera nila at makikita ang mukha kong parang sira ulong nag papakyut sa mga larawan nila. tribute ko sa funny people of walmart website. hehehe.

blocked nga pala ang facebook at twitter dito sa china. hindi ko na alam ang nangyayari sa online community. as if i really cared. do i really? strange.

coffee

tutuo ba ito, doc emer? maganda raw sa kalusugan ang paginom ng kape. matagal ko na kasing sinasabi na nakakabuti ang kape sa kalusugan, huwag lang sasamahan ng gatas. bakit? kasi raw, yung kape ay pampanerbyos. yung gatas naman ay pampalakas. pag pinagsama mo raw ang kape at gatas, lalakas ang nerbyos mo.

better things

pag medyo nasesenti dahil akala mo magugunaw na ang mundo, rock and roll will save you. maraming salamat ray davies at bruce springsteen. pinasaya ninyo ako.

Here’s wishing you the bluest sky,
And hoping something better comes tomorrow.
Hoping all the verses rhyme,
And the very best of choruses to
Follow all the doubt and sadness.
I know that better things are on the way.

 

pine tree without pine

pine tree malapit sa bahay namin sa irvine na pag tiningnan mong maigi ay hindi naman talaga pine tree. buko? gago, siyempre hindi. pag tiningnan mo yung pinaka tuktok, makikita mo yung antenna para sa cell phone.

cell phone tower ang pine tree actually, pinaganda lang ng mga telecomms para hindi “eye sore”.