Pack of smokes with dying baby, Singapore 2004


ngayong katapusan ng mayo ang ika-anim na taon kong smoke free. i’ve never looked back after stopping cold turkey. naalala ko ang nalalapit kong anibersaryo ng paghinto sa paninigarilyo kasi ang pinaka kinaiiisan ko lately ay yung kapitbahay kong panay ang sigarillo sa patio niya. pumapasok kasi sa bahay yung 2nd hand smoke. amoy pa lang ng usok, napapa bwakangina na ako.

wala tayong magagawa, virginia: ang mga ex-smokers talaga na tulad ko ang pinaka soup nazi ng mga yosi boys (and girls).

Bok Choi, my choi


late lunch or early dinner? a bit of both, i guess. ano ba tawag dito, luner? dinch? ginisang bok choi na niluto sa bawang at inisprinkel ng kikkoman. simple lang pero rock. tapos dagdagan mo pa ng adobong manok na extra crispy at brown rice. naka dalawang 4 mile run na ako ngayong araw, siguro naman pwede na akong kumain ng kaunti.