alas singko ng umaga nung nadapa siya sa arina. gumagawa sila noon ng hot pandesal nung maisipan niyang i-praktis yung black magic sipa sa loob ng panideria. dalawang araw din na namuti ang mukha niya.
Monthly Archives: January 2011
3 o’clock prayer
alas tres ng hapon daw sila magkikita sa harap ng national bookstore sa araneta coliseum. kakain kasi sila sa 3M pizza bago manood ng pelikula ni FPJ sa coronet. matagal din siyang nakatayo roon at huminto lang siya sa paghintay nung kasing laki na ng bola ng jackstone yung binibilog niyang kulangot.
bingo!
mayroon na yatong tatlong araw na silang nagbi-bingo. mainit ang ulo ni boyet dahil puro na lang siya puro pero hindi pa siya tumatama. huling laro na iyon nang sumigaw ang nambobola ng “sa letrang ENE – pumuputok!” tumingin si boyet sa card niya at sumagot ng “kwarentaysingko? BINGO!!!”
“HINDI”, ang sambit ng nagbobola, “trentayotso!”
nabigong panonorotot
bata pa siya ay gusto na niyang mag-aral mag torotot. nabigo ang pangarap niyang ito ng makagat ang dila at nalunok ang tatlong ngipin sa bagang nung gabing sinapak siya ni banay sa nguso. anim na buwan din siyang hindi nakapito.
bimpo
madaling araw ng biyernes santo nang inihanda niya ang anim na hot pandesal at isang lata ng reno liver spread. sapat na raw itong baon para makalakad ng walang hinto simula talipapa hanggang sa grotto. yon ang payo sa kanya ni father allan. naisip niya kapagdaka na magbaon din ng bimpo.
mahirap malunod
madiing sinabi ni ruben na ayaw niyang mamatay sa pagkalunod. oo nga, ang dagdag ni mario. kahit anong dahilan ng pagkamatay ay ok lang, halimbawa mabaril o makainom ng lason. huwag lang daw siyang mamatay na nalunod sa septic tank
grow old
stale
medyo stale ang hangin sa loob ng opisina ngayon. pakiwari ko ay parang nag-usap lahat ng mga tao sa first floor para umutot ng sabay-sabay. oo, kung bibigyan natin ng mas malalim na kahulugan ang lahat ng ito: collective fart.
Inkong, the Pinoy King Kong
new year’s resolution
pag pasok ko sa shower room kanina, napansin ko na sobrang dami ng bath towels. probably twice as many as normal. bigla kong naalala na january pala ngayon – new year’s resolution ng karamihan ng mga narito sa opisina ang mag lose ng weight at standing room only na naman sa gym tuwing lunch time. pero ok lang. by february, wala nang lahat ang mga kupal na yan.