walk, don’t run

nagpunta ako sa isang laboratory sa laguna hills, malapit sa seizure world, para magpa blood work kanina (pakiwari ko eh gagawa ‘ata ng dinuguan si doctor mary). pagkatapos ay huminto ako ng starbucks at umorder ng kapeng may yelo at tinapay na may saging dahil inabutan ako ng matinding gutom. ikaw ba naman ang mag 12 hour fast.

malamig ang panahon kahit tirik na tirik ang araw (perfect day for a long walk) kaya iniwan ko na lang ang kotse sa parking lot at naglakad papunta sa opisina gamit ang nature trail na nakapalibot sa lake forest habang binabasa sa akin ni johnny depp ang buhay ni keith richards. can’t get any better than that.

don’t piss off the cook

nag pick-up ako ng take out na pansit at barbecue sa salo-salo grill sa cerritos nung christmas eve. 30 minutes na late yung order ko at matagal kong pinag-isapan kung dapat ba akong magtaray. natatakot kasi ako na baka may dumura sa pansit. natutunan ko na kasi nung araw pa, huwag mong aawayin ang mga taong naghahanda ng pagkain mo. samakatwid, don’t piss off the cook, don’t piss off the waiter. otherwise, you’re going to get really sick (or worse, you’re going to find out later on what they’ve done AND you’re going to get sick).

naalala ko tuloy yung makulay na kusinero namin sa isa sa mga project sa bicol nung araw. na bad trip ng isang engineer namin yung cook for reasons i now forget, pero simula noon, nag iba ang buhay ng engineer. mas kaunti na bigla ang share niya sa pagkain ( e.g., puro pakpak ang nakukuha niya sa tinolang manok na ulam) at nung minsan pa, ginawa ng cook na panglinis ng kaldero ang toothbrush ng kawawang engineer. eventually na tsugi yung cook pero not before getting his revenge.

oo nga pala, in the end, hindi ako nagtaray. impak, nag patawa pa nga ako sa staff ng salo-salo grill at nagbigay pa ng malaking tip. iniisip ko, may pasko rin silang pupuntahan pagtapos ng shift nila at gusto mo na tulad mo, uuwi silang may ngiti sa labi.

F*ck You!

cold cloudy morning before christmas playlist:

  1. hendrix’s cover of born under a bad sign
  2. florence + the machine cover of addicted to love
  3. grace potter and the nocturnals’ paris
  4. cyndi lauper’s cover of the blues classic crossroads and…
  5. gardenget, always brings a smile that’s almost a laugh – my current favorite: cee loo green’s FUCK YOU!

classic all.

winter clearance

sa wakas, naglinis din sa pinagtatrabahuhan ko. tanggal nang lahat ang mani at M&M na nakasingit sa pagitan ng lamesa. tuwing magpapasko lang kasi nagkakaroon ng general cleaning.

sa sobrang linis nga, para tuloy pwede nang mahiga sa sahig. nakakapanibago. pakiramdam ko tuloy parang ang dumi ko pero kaliligo ko lang. ano kaya ang nararamdaman ng mga kaopisina kong hindi naliligo?

on sekantot

nagising ako kaninang umaga dahil sa lakas ng aking tawa. nanaginip kasi ako na bigla akong nautot sa kalagitnaan ng staff meeting sa opis. lahat sila natawa. pati ako natawa.

malamig na umaga ngayong sabado. parang gusto kong kumain ng tatlong fried kesong puti nakapalaman sa hot pandesal, apat na longganisang lucban, dalawang sunny side na itlog, isang kamatis, dalawang dinaing na espada at isang cup ng garlic fried rice.

on sekantot, baka dalawang cup ng garlic fried rice.