1st time kung ma try yung bagong security scanners ng mga airport dito sa US. eto yung kita pati titi mo. natawa nga yung nag scan sa akin.
Monthly Archives: August 2010
colbert’s eggs
sabi ni colbert, kailangan daw ibalik sa pekpek ng mga manok yung mahigit 300 million na itlog na ni-recall kamakailan dito sa california.
kulob
sabi ng kaibigan kong si rey: para kumapal ito, takpan ko raw yung bigote ko ng underwear. sabi ko naman – kung kakapal nga pero kulot naman, what’s the point?
hair today
sinusubukan kong magpatubo ng bigote pero wala talagang pag-asang tubuan ng masaganang buhok ang mukha kong kanggarot. mas marami pang buhok yung babae sa charlotte airport. kainis.
sinimulang maglakbay, di alam ang punta
kapag babae may bigote
yung nagserve sa akin ng barbecue lunch na babae dito sa airport, may bigote. kwidaw sa babae ang may bigote. yung naglilinis naman ng airport, mukhang lalaki. pero wala siyang bigote.
breaking wind
zen and the art of breaking wind: kung nautot ka sa elevator na ikaw lang ang tao, may amoy ba ito?
kahit konti
kung mangarap ka’t maalimpungatan
pag yumaman ako, kukuha ako ng full time assistant na taga bukas ng butong pakwan.
estranghero
umalis si mel sa pilipinas nung 1978 para makipaksapalaran sa amerika bilang isang OFW. lumaki siya sa bulakan, nasa labas ang banyo at kadalasan, sa sapa ka pa kailangang magpunta para makaligo. malapit nang maging four years old ang anak niyang si robert at gusto niya itong bigyan ng masaganang buhay.
isang linggo na siya sa california nang matutunan niya na ang isang importanteng lesson: hindi mo pala dapat i-flush ang toilet bago mag shower kung ayaw mong malapnos ang iyong bumbunan.
zipper blues
alam mo na pagod ka na kapag hinahanap mo yung zipper sa pantalon mong button fly, at nagtataka kung bakit ayaw magsara.
hunger strike
day 6 na ng hunger strike ni benjie nang nakaramdam siya ng gutom dahil amoy adobo ang utot ng kasama niya sa kulungan. humingi agad siya ng garlic rice sa warden.
cereal
alam mo na kung oras nang mag break pag nilagay mo yung kape sa cereal imbes na sa mug, tapos kinain mo pa rin yug cereal.