school bukol

nung first year ko ng college sa mapua, 35 pesos per unit ang singil sa akin. wala pang isang libo per sem. hindi ito nagbago haggang nagtapos ako 5 years later. ngayon daw, apat na ang semester nila per year at hindi bababa sa 100,000 peses per sem ang ibabayad mo. tanginangyan, siguro ang nakakakapag aral lang ngayon doon ay yung mga anak ng mayayaman, drug lord, OFW, mga nagsanla ng lupa at mga magnanakaw.

consider this: yung binayad ko ng limang taon ng college ay 10% lang ng binabayad nila sa isang sem ngayon.

jesus h. christ

bakit ba yung mga religious na group na may fastfood chain dito sa amerika, tulad ng chick-fil-a, ang may masarap ng pagkain? siguro may kasamang dasal yung pagluto nila. ang problema lang sa chick-fil-a ay sarado sila pag linggo. sabi kasi sa 3rd commandment: thou shall not eat chicken on the sabbath day. jesus h christ.

h, stands for hungry.

puno ng duhat

hindi niya maalala kung kailan niya napatunayang hindi tutuong may tutubong halaman sa loob ng tiyan kapag nilulon mo yung buto, pero simula noon ay wala na siyang binubuga pag kumakain siya ng duhat.

kumakain ng apoy

5 years old siya nung una niyang maisipang kumain ng apoy. naalala niya ito na parang kahapon lang nangyari: magpapasko noong ininom niya yung laman ng bote ng 7-up na nakapatong sa dining room table. walang nagsabi sa kanya na gaas pala ang laman nito. hindi naman siya namatay (thank god) pero nag ngi-ngitngit pa rin siya hanggang ngayon kasi, hindi pa rin niya nalaman kung sinong gago ang maglalagay ng gaas sa bote ng 7-up.

intramuros

matagal na niyang idol si samboy lim pero sa letran ito nag-aral kaya si patrimonio ang sinuportahan niya dahil taga mapua siya. pag tanghali, bumibili siya ng tapsilog sa parian gate, doon sa kung saan nagkaroon ng hepatitis ang kaibigan niyang si dave.