may nakasalubong akong maton papasok ng CR sa mall, akala ko gugulpihin ako. di nagtagal, nakita ko siya na nagpapabunot ng kilay sa macy’s.
Monthly Archives: May 2010
sandamukal na monggo
nagluto ako ng sandamukal na munggo para sa tanghalian ngayon. pakiwari ko, sa sobrang dami ay tatagal ito ng buong tatlong araw ng memorial day weekend. ang ikinababahala ko nga ay baka itong martes, may lalabas nang toge sa tenga ko.
bawal dumighay sa eye exam
sa kalagitnaan ng eye exam at pinatay na ng doktor ko yung ilaw at pinababasa niya sa akin yung mga maliliit na letra sa pader habang pinagmammasdan niya yung mata ko an inch away from my face: minsan piipilit ko na lang hindi huminga kasi baka ako madighay at malaman niyang kumain ako kagabi ng mexican food.
pagtapos ng lahat, tinanong ko sa eye doctor kanina kung ano ang tawag doon sa paglabo ng mata dahil sa sobrang dami ng muta. sabi niya “astigmakupal” daw. natawa ako.
penalty
pag ikaw ang late sa appointment, may multa na $50. pag doktor ang late, ok lang. ano kaya kung singilin ko siya ngayon?
eye exam
pupunta ako sa doktor ko sa mata kaya kailangang mag toothbrush, mag ahit at mag tanggal ng buhok sa ilong. masyadong intimate ang eye exam.
hey nineteen
ngayon ang ika-labingsiyam na anibersaryo ng kasal namin ni jet. gusto ko yung nineteen kasi prime number. medyo malayo-layo na rin ang narating namin simula nung kinasal kami sa munisipyo ng kalookan city, reception grande sa jollibee, pagtira sa bahay ng mommy ko sa novaliches hanggang sa nakabili ng bahay sa antipolo, paglipad sa singapore at eventual na paglipat sa amerika.
labingysiyan na taong sobra sa bilis. labingsiyan na taon na pakiramdam ko’y parang panonood ng pelikula ni dolphy – may kantahan, sayawan, drama, iyakan at katakut-takot na tawanan.
ilang taon na lang at malapit na tayong mag 25th anniversary. siguro pwede tayong mag pakasal ulit sa munisipyo ng kalookan kaya lang, baka patay na yung nagkasal sa atin. pero ganoon pa man, maligayang anibersaryo sa iyo, mylab.
punong-puno ng pagmamahal,
jay
patay mali
ano ba sasabihin sa english ang “patay mali”? gusto ko kasing ipaliwanag kung ano ang gagawin kapag may pumasok sa opisna mo pagkatapos mong mautot.
wee wee
yung katabi kong umuhi kanina, binaba yung buo ninyang pantalon kasama pati underwear. pakiramdam ko tuloy, may magnet ako sa mga pervert.
many people die of I thought so
paano ba sasabihin sa english ang: “maraming namamatay sa akala?”
choles-terror
tumaas ng over 200 ang cholersterol ko. sabi ni doctor mary, bawasan ko raw ang pagkain ko. simula ngayon, wala nang pritong pagkain ulit. cheesecake pwede, ang dagdag kong tanong? hindi daw pwede. gummy bears, ok? nope. kamote que? hindi rin daw.
tanginangyan.
racist rapist
yung kasabay kong tumakbo sa park kaninang tanghaling tapat, natakot sa akin nung makita niyang pareho kaming papasok sa underpass. hindi ko alam kung ano ang dahilan, either racist siya o mukha akong rapist. either way, pakiwari ko eh nabiktima ako ng profiling. paminsan-minsan, mahirap maging kutis betlog sa mundong maputi. para tuloy gusto kong magpunta ng arizona next weekend.
bombero ng diyos
kanta ng mga bata doon sa amin sa barrio talipapa kapag children’s mass: “bombero ng diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan…”
siguro akala ng mga bata, mayroong sunog sa bahay ng diyos.
under underwear
ang galing ko talaga. nakalimutan ko na namang mag baon ng underwear kay eto ako sa opisina, bakat ang betlog sa pantalon. packing sheet.
linis baga
nakasinghot ako ng shampoo nung naliligo ako kanina. pakiramdam ko, para akong nalulunod habang tinatanggal yung balakubak ko sa baga.
tumigas siya
ang munting patak ng luhang kinimkim pa simula ng sinauna, tumulo sa pisnging simpula ng mansanas. ayaw talagang lumabas. constipation.