estimates

  • 99% – probability na hindi tutuo na magkakapera ka pag makati ang mga kamay mo
  • 0.1% –  percentage na magkakaroon ng snow sa pilipinas, kung sakaling maging state tayo ng USA
  • 57% – chance na magugulpi ka pag kinanta mo ang “my way” sa karaoke bar
  • 60% – percentage na maiinis kapag may nagtanong sa iyo kung nasaktan ka pagkatapos ka nilang makitang nadapa

ambidextrous

ang number 1 remark ng mga tao pag nakikita nila akong nagsusulat gamit ang kaliwang kamay ko: “kaliwete ka?” ang number 1 sagot ko naman sa mga taong nagsasabi nito ay “oo, pero kaliwa’t kanan ako kung mangulangot at magjakol”.

Singtigas ng Bakal

nung unang dating ko rito sa amerika, naisip ko na mahihirapan akong mag adjust sa pace ng buhay. naisip ko na mabibigatan ako dahil hindi ako sanay sa trabaho rito at napakahirap minsan mag-salita ng english lalo na’t dahil pinaglihi ako sa kalabaw. pero pagtagal nasanay rin ako at medyo nag thrive pa nga, kahit papaano. kailangan lang talaga, malakas ang loob kahit sira ang mukha. matutong lumaban, kahit urong ang bayag at maliit ang titi (na sintigas naman ng bakal).

binagoongan

nagluto si jet ngayon ng binagoongan pagkatapos ng halos mahigit limang taon. para sa akin, para na itong eternity. paborito ko kasi ito. walang tatalo sa amoy ng ginisang bagoong at pritong baboy. tataas siguro ngayon ang blood pressure ko pero sulit naman kahit isang araw akong magdusa, makatikim man lang ulit ng munting pilipinas.