Elepante Rape

tumakbo ako ng 3 miles pagtapos ng isang linggong ubo. pakiramdam ko, para akong ginahasa ng anim na elepante. dalawang elepante per mile. ang hirap pala talaga ng may ubo. isang linggo na akong kahol ng kaho at masakit sa dibdib at lalamunanl. nagkaproblema pa nga ako dahil kasabay ng ubo nung isang araw ay nagkaroon ako ng LBM. mahirap ang may ubo na may LBM.

my unknown legend

happy birthday mylabopmayn.

para sa iyo ang kantang ito. nawa’y sa munting awiting ito na ni record ko sa gitna ng maraming labada ay malaman mo kung gaano kita kamahal. maraming maraming salamat sa labingwalong taon nating pagsasama. maraming salamat sa pag unawa mo sa mag topak ko.

punong puno ng pagmamahal.

jay

Paltik

nakita ko na naman kanina sa locker room si alias jakob-38 (hindi masyadong malakas ang putok kaya para lang siyang paltik). bike to work siya at straight to opis (walang ligo-ligo). pag nakikita ko siya, para kong gustong magkamot.

para talagang chop suey ang isang international organization, ‘no? kung ano-anong klaseng tao ang nakakaenkwentro mo.

I’ve been to crying for unborn children

karaoke tip #1: pag may nag request sa iyong kumata ng “sometimes when we touch”, sapakin mo

karaoke tip #2: bago kantahin ang “i’ve never been to me” kailangan munang ipaliwanag ng singer kung ano ang ibig sabihin ng “I’ve spent my life exploring the subtle whoring that costs too much to be free”

karaoke tip #3: pag kinanta mo yung “cuando, cuando” ni engelbert humperdinck (bless you!), kailangan may kasama itong sayaw na semi cha-cha

karaoke tip #4: unang dinig mo pa lang sa “and now the end is near”, sumigaw ka na agad ng “pag di ka tumigil diyan hinayupak ka, totohanin ko yang kinakanta mo”

2010

bilang resolution sa bagong taon: mag-aaral ako ng bagong language. pinagpipilian ko pa kung spanish o kapampangan. gusto ko ring mag-aral magluto ng bagong putahe. iniisip ko, magpapaturo ako sa mommy ko na gumawa ng menudo at tortang talong. at saka, gusto ko ring bawasan ang isa sa mga masama kong ugali. balak kong hindi na umihi sa shower ng opisina namin.