2010

bilang resolution sa bagong taon: mag-aaral ako ng bagong language. pinagpipilian ko pa kung spanish o kapampangan. gusto ko ring mag-aral magluto ng bagong putahe. iniisip ko, magpapaturo ako sa mommy ko na gumawa ng menudo at tortang talong. at saka, gusto ko ring bawasan ang isa sa mga masama kong ugali. balak kong hindi na umihi sa shower ng opisina namin.

7 thoughts on “2010

  1. Hello, at maligayang Bagong Taon! Malaki’ng atraso ko kasi tagal ko nang hindi nakadalaw (sari-saring dahilan, pero gagamitin ko ang old standby–“trabaho”).

    Kuwento ng kapatid kong si Richard na finallly nagkita kayo sa Vegas–hinihintay daw ninyo ni Jet yung umpisa ng concert ni Lani Misalucha (sp?). Belated congrats din sa pagtapos ng half-marathon!

    Sa bahay na lilipatan namin later this month, kailangang ipagawa muna yung kusina. Pag natapos ‘yon, susundan ng housewarming (malamang bago mag-June) at makapunta sana kayo (will keep you posted on the date). Ang bonus–gagawa tayo ng tortang talong!

    Sige ingat; will visit more this year….

    • hi classmate daisy.

      happy new year!

      nagkita nga kami by accident sa hilton. akala ko kung sino yung tumawag sa akin. sayang nga kasi nagmamadali si jet kasi nga manonood ng concert. bumalik kami nung december to run the las vegas half marathon.

      tawagan mo lang ako kung kailan ang house blessing. pupunta kami ni jet!

      ingat,
      jay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *