it compels you

mag-isa ako ng bispiras ng pasko kasi duty si jet mamayang gabi kaya panonoorin ko na naman ang paborito kong christmas movie – the exorcist. go father damien!


pero hindi bale: bilang kunsuelo sa pagiging mag-isa ko sa bispiras ay nagluto naman ako ng pamaskong porkloin na handog sa inyo ng birchtree holland powder milk, ang gatas ng dalagang ina. kakainin namin ito sa christmas morning.

may sa demonyong touch pad

habang sinusulat ko ito ay nasa himpapawid ako. bagay na laki kong kinagugulat dahil hanggang ngayon, ako’y namamangha sa galing ng ating teknolohiya. sino bang makakahula na makakapag internet ang tao habang nakasakay sa eroplano. ang galing ano? kaya ngayon, imbis na mangulangot ako rito eh pwede akong magsulat, manood ng mga online porn at makibalita kung luto na yung naghihintay na sinigang na pork ribs sa bahay.

ang issue ko lang ngayon ay etong putang-inang touch pad ko na pakiwari ko ay umaandar mag-isa. para siyang nasaniban ng demonyong gustong mang-alaska. sino ba naman ang matutwa kung pinaglilipat-lipat ng touch pad ang mga folder sa computer mo ng walang paalam.

P.S. ngayon ko lang ata nagamit ang salitang “himpapawid” sa aking pagsusulat. bagay na lubha kong ikanisisiya.