tenks, tenks

  1. nagpapasalamat ako at mayroon akong problema sa trabaho. mas mahirap kung problema mo ay wala kang trabaho.
  2. nagpapasalamat ako at wala akong pangatlong utong. ARF!
  3. nagpapasalamat ako na nasa itaas tayo ng food chain. at lalo na’t thanksgiving ngayon, nagpapasalamat ako na hindi ako pinanganak na pabo.
  4. nagpapasalamat ako dahil kumakain ako ng dinuguan, kare-kareng buntot at balut. para sa mga kaibigan kong amerikano, exotic na kasi ito.
  5. nagpapasalamat ako dahil natuto akong magluto ng adobo at 40. kasimple-simple lang palang lutuin pero bwakanginangyan, pagka sarap-sarap.
  6. nagpapasalamat ako dahil sa papaya. pampa ligaya, pampa regla. pampa lambot, pang tanggal ng kulubot.
  7. nagpapasalamat ako at may space bar ang computer ko. mahirapkasikungwalangspacebarangcomputer.

Rage, Rage

i will not go gently into that good night. i’ll be shouting and swearing because it’s cold & dark. mahirap mag bisikleta pauwi pag late fall at winter kasi maaga magdilim at bwakang inangyan, sobrang lamig. yung wind chill takes my breath away, freezes my balls and of course shrinks the damn schlong. kaya kung narito kayo sa orange country at may narinig kayong nagmumura sa kalyeng nakabisikleta at sinusumpa yung lamig – ako yon.

mga kinaiinisan

  1. mga babae na nagsusuot ng skinny jeans
  2. mga lalaking nagsusuot ng skinny jeans
  3. kahit na sinong putang-inang nagsusuot ng skinny jeans
  4. mga nagsasabi ng “it’s so surreal” dahil hindi nila kayang i-express ang sarili nila
  5. mga naka skinny jeans na nagsasabi ng “it’s so surreal”