have you seen the little piggies crawling in the dirt?

tumakbo ako ngayong umaga sa una kong mud run sa camp pendleton. ito yung world famous 10K race na sinasalihan ng mga sira ulong tulad ko na gustong maligo sa putikan. actually, burak yung nilagay ng mga marines sa course. ito yung putik na hindi naligo ng isang linggo. amoy imburnal nga ako pagtapos ng race. pero nag enjoy ako ng husto ang malamang tatakbo ulit ako rito next year. masarap kasing mag liwaliw sa putikan. ngayon, alam ko na kung ano ang pakiramdam ng kalabaw.

ang race time ko ay 1:18:55 – 64th place in the 40-44 age bracket, 566th place overall (4200 ang tumakbo kanina). hindi na masama para sa isang matandang ututeng diabetic, no?

Sipang Puwet na Almusal

bumili kami ni jet ng tiyan ng bangus nung sunday sa kapinoyan central sa cerritos at ginawa ko itong daing. patay na naman ang diet. tanginangyan. nagsimila nga ang piyesta kaninang umaga – nagluto ako ng sunny side na itlog, longganiza at brown rice para may kaibigan ang daing na bangus na ginawa ko. tapos naghiwa ako ng kamatis na malutong bilang counter point. ang almusal ay parang symphony.

sarap ng pakiramdam pag nakaka-amoy ng pagkaing pinoy sa bahay. kaunting imagination lang at akala mo nasa pilipinas ka kahit may pacific ocean na naghihiwalay sa iyo sa bayang magiliw.