But if I did, well really, what’s it to you?

nag bisikleta ulit ako ngayon papasok, as usual. kaya ko ito nagagawa ay mayroong gym na may showers sa opisina. siyempre, ayaw mong pumasok na amoy pawis, although marami sa mga mga kaopisina ko ang gumagawa nito, ie, hindi sila naliligo pagtapos mag bike at diretso na sila sa trabaho.

ang ayoko lang minsan ay pag nadatnan kong naksara ang shower curtains pag pumasok ako sa shower room. natatakot ako dahil na-i-imagine ko kasi parati na sa likod ng kurtina ay may taong nagbigti at pagbukas ko nito ay may makikita akong lalaking nakahubo na nakabitin sa kisame. para bagang si sid doon sa officer and a gentleman na nagpakamatay sa loob ng banyo. ay spoiler, sorry.

Animal Farm

dear unkyel batjay,

ako po ay isang graduating na veterinary student dito po sa isang university sa pilipinas at magtatrabaho po ako sa africa next year. gusto ko lang pong malaman kung ano ang dapat gawin kung sakaling magkaroon ako ng pasyenteng giraffe na may stiff neck?

nagmamahal,
gentle reader
———————
Continue reading

Problema talaga pag naghanap ka ng isusuot sa dilim. Socks – black and blue

ang hirap talaga pag naghahanap ka ng isusuot sa dilim. special na naman ang medyas ko ngayon sa opis: isang blue at isang black. galing no? pero ang laki ng paa ko. i wear size 12 shoes and i have big hands too. you know what they say about people with big hands and feet, don’t you? they look like clowns.

on a different note: happy birthday, notre dame.