Ever Wanted

nakasulat sa packet ng pansit bihon na binili namin kagabi: “once tasted, ever wanted”. parang ang gusto yatang sabihin ng mga gumawa ng bihon na ito eh “pag natikman mo ito, gugustuhin mo siyang talaga” or words to that effect.

nakasulat naman sa packet ng kalaban na pansit bihon na binili rin namin kagabi: “great tasted, ever wanted”. based sa explanation ng kaibigan kong si gerry na isa ring linguist, ang ibig sabihin daw nito ay “masarap ang lasa ng bihon na ito na hinahanap-hanap ng mga pulis.

yung unang picture, hipon ang naka drawing, yung pangalawa naman ay lobster. heto ngayon ang mga tanong ko: una, magkapatid kaya yung mga may-ari ng pabrika ng pancit bihon? pangalawa, ano ang kuneksyon ng hipon at lobster sa pancit bihon?

Another mother’s breakin’ heart is taking over

nag offer daw ang gobyerno na bigyan ng state funeral si cory. tumanggi naman ang mga aquino. sabi ng kaibigan kong si gerry –

“ganito na lang pare, ilibing na lang nila ng buhay si gloria macapagal arroyo at siya na lang ang bigyan ng state funeral. sigurado ako na marami rin ang pupunta”.

so long cory. give a warm hug to the man in white for me.