Philippines, My Philippines

July 29, 2009, 3:00 PM, newsflash:
nanalo raw si carlo caparas ng national artist for bakekang and massacre movies.

July 29, 2009, 3:10 PM, note to self:
next year, iboboto ko ang sarili ko para sa national artist ng pagjajakol.

July 29, 2009, 3:20 PM, note to self:
next year, iboboto ko ang sarili ko bilang national artist ng pagkakamot ng betlog.

July 29, 2009, 3:30 PM, note to self:
next year, iboboto ko ang sarili ko para sa national artist for loose bowel movement.

Newton got beaned by the apple good

dear unkyel batjay,

nangumpisal po ako sa pari namin kagabi dahil binagabag ako ng aking kunsensya. mahilig ko po kasing aliwin ang sarili ko, unkyel. pinatawad naman po niya ako at sinabing mag dasal daw ako ng sampung ave maria at huwag ko na raw ulitin dahil pupunta raw ako sa impyerno. tulungan po ninyo ako. mahilig po talaga akong mag sariling sikap pero ayoko po namang mapunta sa impyerno. ano ang gagawin ko?

nagmamahal,
gentle reader

—————————–

Continue reading

Something for everyone

Last Sunday’s Playlist, a tribute of sorts to Howlin’ Dave. Birthday niya ngayon.

1.  Wally’s Blues, Wally Gonzales
2.  Beep Beep, JDC
3.  Sayawan, Sampaguita
4.  All the Lies You Said, Jerks
5.  Upos na Lang, Mike Hanopol
6.  Huling El Bimbo, E-Heads
7.  Ganyan Lang, Lampano Alley
8.  Karanasan, Maria Cafra
9.  Damdaming Nakabitin, Asin
10. Buhay Pinoy, Banyuhay
11. Moonshiner, Rob and Bob
12. Mess it up, Lampano Alley
13. Probinsyana, Anakbayan
14. Bilog na naman ang buwan, Isagani Ibarra
15. Something for everyone, Petrified Anthem
16. Smile, Pepe Smith
17. Kun di man, Jerks
18. Sa Diyos Lamang, Sampaguita

Next Sunday ulit, kasama ko si Mister A sa Pinoy Rock and Rhythm sa UR 105.9 simula 12:00 ng tanghali hanggang 3:00 ng hapon. Kung wala kayo sa Pilipinas, mayroong live stream sa:

UR-105-Logo

Makinig kayo.

Mang Kulas

natalsikan ng kumukulong mantika ang paa ko nung sabado. nagluluto kasi ko nung bago kong natutunang daing na bangus eh tanginang mantika yan, bigla na lang tumalsik ang nag landing sa paa ko. lapnos ang balat at masakit hanggang ngayon.

yan ang hirap sa mayroong diabetes. pag nagkaroon ka ng sugat, napakahirap pagalingin. pag nagkaroon ka ng sugat sa paa, tapos nang kumanta yung fat lady, hindi pa rin ito gumagaling. naka tsinelas nga ako ngayon sa opisina para nahanginan. ok nga eh. pag may nangulit sa akin ngayon, tsi-tsinelasin ko sa pwet.

Little elves, on the rooftops they dance

nagbibisikleta lang ako sa umaga kaya hinahanda ko ang work clothes ko ng maaga at nilalagay ko ito sa back-pack prior to leaving. kadalasan, ginagawa ko ito sa semi-darkness dahil alam ko na naman kung saan nakalagay ang mga paborito kong damit. pero paminsan-minsan ay sumasablay din ako. tulad ngayon, pumasok ako sa opisina na magkaiba ang kulay ng medyas: isang bughaw, isang itim. bwakanginangyan. at magkaiba rin ang style: isang plain at isang may burda. bwahaha, welcome to the not-so-funny world of the color blind.

kung may bibisita ngayon sa opisina at titingnan ang paa ko, siguradong matatawa siya. but people seldom look at other people’s feet, shoes or socks. which is just as well. sabi nga ni morgan freeman: “I mean, seriously, how often do you really look at a man’s shoes?” kaya nga nakatakas si andy, yung bida sa shawshank redemption eh. ay spoiler. sorry.

Ang Tatlong Magkakapatid


naalala ko nung kinunan ito. nagpunta ako photo-me ata sa SM city dahil kailangan ko ng litrato para sa school ID. naka white t-shirt ako at white yung background, tapos hindi siguro balanse yung camera kaya ulo ko lang tuloy ang lumabas sa litrato.

asar na asar ako roon sa kumuha sa akin dahil sinisingil pa rin ako kahit floating head ang lumabas. BWAHAHA. pero natawa pa rin ako sa hitsura ko kaya binayaran ko na rin ang pangit kong kuha knowing that someday, mayroon itong pakinabang.