Past the arms of the familiar

nabanggit ko na ba na tatakbo ako sa mud run itong darating na october sa camp pendleton? taon-taon ay may karera sa putikan sa loob ng malaking marine base papuntang san diego. sobra na nga ang popularity nito na mayroon nang 4 na race na ginagawa all through the year and even then, parati itong sold out.

simple lang naman: tatakbo ka sa putikan ng 10 kilometro pero all throughout, mayroon kang dadaanang mga pampagana – “hills, tire obstacles, river crossings, two 5-foot walls with mud on both sides, tunnel crawl, slippery hill climb, and the final 30-foot mud pit”.

Continue reading

57 channels and nothin’ on

pinanood namin ni jet nung mga nakaraang linggo ang 3D version ng coraline ni gaiman at Up ng pixar dito sa aming munting multiplex cinema. impressed ako sa technology ng 3D ngayon. yung huli kong nood kasi ay nung mid 70’s pa at ang pinanood ata namin ay yung 3D version ng frankenstein.

para kaming mga siraulo sa loob ng sinehan ni dennis dahil iniilagan namin yung nahuhulog na bituka ng monster habang inooperahan siya ni dr frankenstein.  3D kasi kaya akala mo papunta sa mukha mo yung lamang loob. although novelty ito sa panonood namin ng pelikula, hindi ko na ito inulit dahil hilong hilo ako ng lumabas sa sinehan. besides, yung mga 3D movies nung 70s ay puro special effects lang and after a while, you get bored.

Continue reading

One step up and two steps back

makulimlim dito sa southern california ngayon. pag palapit na kasi ang summer, yung moisture galing sa pacific ocean ay pumapasok inland at inaabot kami rito sa irvine area. sa umaga ay mahamog at medyo malamig. paminsan minsan, umuulan. ang tawag ng mga local dito ay “june gloom“. marami akong naiisip gawin pag ganito ang panahon:

  1. kumain ng garlic rice na may daing na bangus, longganiza, kamatis at re-fried chicken pork adobo
  2. mahiga sa kama (or sofa) habang nanood ng paborito kong pelikulang bastos
  3. makipagsex
  4. tumakbo ng 5 miles habang nakikinig kay springsteen sa iPod

not necessarily in that order.

Well, don’t it always seem to go

malapit nang mag summer kaya nagpupursige ako ngayong magpaganda ng muscle tone. ang pangarap ko kasi ay magkaroon ng six pack abs, simula pa nung mabasa ko ang mga ads ni charles atlas sa mga komiks ng aking kabataan. tiningnan ko yung tiyan ko kaninang umaga, nasa 3 packs pa lang – dalawang muscle sa itaas at isang malaking tiyan. kaya nga pursigido ngayon ang aking pag exercise. kahapon nga, pakiramdam ko sa sarili ko ay parang super athlete kasi nag bike ako ng 8 miles to work, tumakbo ng 3 miles ng lunch, nag bike ng 8 miles pauwi at naglakad ng 4 miles nung gabi.

pagtapos kumain ako ng tatlong chicken burger sandwich na ginawa ni jet. tanginangyan, parang wala rin ano?

What you see revealed within the anger is worth the pain

nagising ako kaninang madaling araw sa tunog ng kulog. maya-maya, yung patak naman ng ulan sa bubong. naalimpungatan ako at biglang napatayo. bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil akala ko, nasa pilipinas ako kahit alam ko naman na hindi.

masarap sanang umuwi pero ayaw ko namang bumalik kasi ang gulo ng mga nasa gobyerno. hindi ko kasi gustong i-asa ang buhay ko sa mga taong puro sarili lang ang iniisip. tanginangyan, kung mayroon talagang diyos, matagal na sana siyang nagpadala ng delubyo para patayin lahat ng mga pampagulo sa bayang magiliw.

eh kaso wala. ni hindi nga niya kayang magpaulan ng palaka, tulad ng supposedly ginawa niya sa egypt nung time ni moses.