Para hindi magkaroon ng Swine Flu

may kumakalat daw ngayon na swine flu galing ng mexico kaya inilabas ko na naman yung protective face mask na ginamit ko nung may SARS sa singapore nung 2003.

sabi kasi sa opis namin sa singapore nung araw, mag suot daw kami ng mask para hindi mahawa kaya gumawa ako. effective naman ito dahil hindi ako nagka SARS. ang masama lang eh kung may ilang beses din akong napagkamalang si zorro sa loob ng train.

Kuto, Kuto

sabi ni doc emer (oo virginia, tutuong doctor siya), yung mga taong may kuto raw ay malakas ang panlaban sa hika. samakatwid, yung mga taong may kuto ay malalakas ang mga baga (pero makakati naman ang ulo – you can’t win em all). bigla ko tuloy naisip na ang kuto at hika ay ang bagong tubig at langis. actually,  medyo mas complicated pa diyan pero ang suma ay, pag nagmalinis ka masyado, mas malaki raw ang chance mong magkaroon ng sakit.

Continue reading

And it burns, burns, burns

sobrang init ngayon. tangina. pakiramdam ko tuloy, piso na lang impyerno na. sabi ni amado pineda, nasa 100 deg F na raw habang sinusulat ko ito. ano ang ibig sabihin ng F? ang ibig sabihin ng F ay it’s Fucking hot. napansin ko rin, at medyo peculiar nga ito: kanina pa ako utot ng utot. may koneksyon kaya ito sa heat wave? siguro, naiinitan yung katawan ko kaya mataas ang production ng gas. nahihiya na nga ako sa mga nasa cubicle sa labas ng opisina ko. kanina pa sila nakakarinig ng pag kulog pero wala naman silang nakikitang kidlat.

Continue reading

Wile E.

may nakasalubong akong coyote nung isang gabi sa street namin. bigla ngang nagpunta yung betlog ko sa ngala-ngala dahil sa matinding gulat. pero nagulat din yung kumag nung nakita niya ako kaya pareho kaming tumakbo in opposite directions. hilarious now but scary when in happened. halos 5 feet away lang siya nung nag eye to eye kami.

ngayon, alam ko na kung ano ang pakiramdam ni road runner.

Let the right one in

isa sa pinakamagandang vampire movie na napanood ko ang “let the right one in“. tulad ng grupong abba at ng kotseng volvo, galing ang pelikulang ito sa sweden. kakalabas lang sa DVD last week – kung may pagkakataon kayong manood ng isang pelikula lang this weekend, make it this one. panoorin na ninyo ngayon habang hindi pa ito binabastos ng hollywood. balita ko kasi ay gagawan ito ng adaptation ng mga amerikano. walang sinabi ang twilight dito. kahit nga yung mga gawa ni ann rice, kahit yung 30 days of night o yung mga sinaunang mga christopher lee movie ay taob dito. at isa pa, hindi kakanta ng mamma mia ang bida rito, promise.  this movie really rocks.

tutal showbiz din naman ang pinag uusapan natin – kakamatay lang kahapon ni marilyn chambers. pagpapatunay ulit na tumatanda na talaga ako: isa-isa nang nagpupunta sa great porn film in the sky ang mga pinagjajakolan ko nung bata ako.

For the ones who had a notion

tutuo ata yung kasabihan na habang tumatanda ka ay bumabalik ka sa pinanggalingan mo. napansin ko kasi, every year na lang simula nang mag 4o years old ako ay pahaba ng pahaba yung buhok ko sa katawan. pakiwari ko bumabalik na ako sa pagka unggoy.

lahat na lang humahaba – buhok sa binti, buhok sa kili-kili, buhok sa betlog, buhok sa ilong. yung buhok sa ilong ay ang pinaka kinaiinisan ko kasi, bukod sa humahaba na’t lumalabas sa butas ay kulay puti pa siya. stand out galore. lately nga, may napansin pa akong mas hindi kanais nais: tinutubuan na rin ako ng buhok sa tenga. ‘tanginangyan.

In the wink of a young girl’s eye

mayroong pick up basketball game every tuesday at thursday sa opisina na sinasalihan ko paminsan minsan. ang problema lang ay ang isang oras kong paglaro ng basketball ay may katumbas na isang linggong pagsakit ng tuhod. pero sige pa rin kahit masakit dahil nga kahit alam ko nang tapos na yung glory days ko na pagshoot eh gusto ko pa ring mag “rage against the dying of the light“.

Continue reading

Rage against the dying of the light

pag tumitingin ako sa salamin, puro puting buhok na lang ang nakikita ko. inevitable. yan ang parati kong naiisip. kahit ano kasi ang gawin ko, hindi ko na mapipigilan ang pagpalit ng kulay ng bumbunan ko. kaya nga ipinagpasya ko na lang na ang pinaka mabuti kong gawin ay tanggapin (or in english: accept the fuck) na tumatanda na talaga ako.

ang gimmick ay gumawa na lang ng paraan para kahit tumanda man ako ay mayroon pa rin akong asim, kahit papaano. yung asim na tulad ng sa kamias. as in halos borderline nagmumurang kamias. teka… bakit nga pala “nagmumurang kamias” ang term sa isang taong nagpapabata? yan ang gusto kong malaman.

Continue reading