The circle’s been complete

seventeen years na kami ni jet ngayon. iniisip ko nga kanina kung ano ang magiging takbo ng buhay ko kung hindi kami nagkakilala. wala akong ma-imagine na scenario. para kasing sinulat sa isang action packed na storya kung ano ang magiging direksyon ng buhay naming dalawa. we were meant to be – bwahaha, what a fucking cliche.


lahat ng magandang nangyari sa akin ay hindi ko hinanap, kasali na rito ang pag krus ng landas namin ni jet. basta, dumating na lang siya sa buhay ko sa takdang panahon and my world changed from then on. dylan probably said it best.

Ever since you walked right in,
the circle’s been complete,
I’ve said goodbye to haunted rooms
and faces in the street.

yung pagkakilala namin ay nangyari sa punto ng buhay namin na tamang tama para sa isang relationship. if it had come sooner, malamang ay hindi kami nagkatuluyan. if it would have come later, malamang ay para lang kaming dalawang barko na nagkasalubong sa dagat. suwerte lang siguro ako na sa dinami rami ng mga pwedeng mangyari sa buhay ko ay nagkakilala kami ni jet.

ngayon ay seventeen years na kaming kasal. seventeen fucking years. who would have thought?


mylab, kung nababasa mo ito, para sa iyo ang kantang ito. a reaffirmation of sorts, gusto ko lang sabihin, mahal pa rin kita kahit ulyanin na ako ngayon at puno na ng puting buhok. maraming salamat sa labimpitong taon.

with all my love.
jay

Through the high times and the low times too

dalawang linggo na lang at tatakbo na ako sa rock and roll marathon sa san diego. kinakabahan na nga ako dahil ito ang una kong long race. who would have thought that i would have even attempted to run this fucking race? kahit ako, nagulat na tatakbo ng 26.2 miles – isang dating 2 pack a day smoker na 42 year old diabetic. siguro, ito ang version ko ng mid-life crisis. in a way, gusto kong patunayan sa sarili ko na kahit matanda na ako ay may asim pa rin, kahit papaano.

Continue reading

Where my thought’s escaping

sabi ni kuya bong, mayroon daw buyer na interesadong bumili sa bahay namin sa antipolo. binigyan ko ng price na medyo on the high side in the hope na hindi kakagatin. kinagat pa rin. from the looks of it, mukhang maipagbibili na ito. matagal na akong nagdadalawang isip kung ibibenta nga siya dahil ito ang una naming bahay ni jet. pero parang dumating na yung oras para talagang bitawan na siya.

heto na naman ako, unti-unti na namang nakakaramdam na nawawala ang kapit ng pilipinas. isa-isa na kasing inaalis yung mga bagay na nagdudugtong sa akin sa kanya. it’s as if mayroong deconstruction na nangyayari. we build new lives here in california habang nagiging ala-ala na lang ang naiwang tahanan. yeah baby, turn, turn, turn.

Where my music’s playing

hindi halatang 83 na ang mommy ko ano? maganda pa rin siya tulad ng kayang apo sa tuhod na si TJ. pinapatay kasi ang mga pangit sa lahi namin. at least yan parati ang dialog ng daddy ko nung araw pag may nagsasabing ang kukyut daw ng mga anak niya.

matalinong bata yang si TJ. talented din tulad ng mommy niyang singer at mga tito niyang rocker. baby pa lang, kumakanta na sa kung saan-saan. in fact, heto siya at 3 years old, singing bayang magiliw habang naglalaro ng salbabida. mahirap gawin yon!

nung umuwi ako sa pilipinas last month, sinama ko sila sa bahay namin sa antipolo para naman makapasyal ang mag lola. nag enjoy naman sila kahit papano. ako? makita ko lang mommy ko ay masaya na rin ako. yung lang naman ang dahilan kung bakit ako umuwi.

About Shmidt

habang nakikpagtsismisan during lunch, nabalitaan ko na yung isa sa mga kakilala kong lalaki ay umiihi ng paupo. bwakanginangyan, you learn new things everyday even if you don’t want to.

Rich men wanna be kings

isang linggong conference sa carlsbad. over 100 powerpoint presentations showing 2000 slides. bwakanginang yan, kung di ka ba naman mahilo. kawawa naman ang mga kasama kong galing pa ng europe at asia. punta sila rito sa amerika at hindi pa nga nawawala ang jetlag ay ikukulong na sila agad sa isang malaking kuwarto ng buong araw para makinig sa walang katapusang pagsasalita.

na experience ko na rin yan nung sa singapore pa ako naka base. pupunta kami sa amerika para sa conference at hindi mo talaga maintindihan yung nagsasalita kahit anong gawin mo dahil pinipilit mo ang sarili mong maging gising, akyat baba ang ulo mo habang nilalabanan  ang antok.

A sad funny ending to find yourself pretending

di ko nga alam kung anong mangyayari after death. iniisip ko nga, walang sasalubong sa akin na mga anghel na malalaki ang pekpek dahil sa aking buhay pagano. at best, pupunta siguro ako sa impyerno. although gusto ko pa ring isipin na mas mabait ako kaysa roon sa mga makadiyos na nagsisimba tuwing linggo pero puno naman ng kaitiman ang kaluluwa. kaya kung talagang may diyos at nagkita kami sa pinto ng langit one day, baka naman pwede ko siyang pakiusapan. who knows, baka sakaling makalusot.

pero sana naman ay matagal pa ito bago mangyari at hindi ko muna iisipin ng mataimtim. i will enjoy my life now because i fucking deserve it. sabi nga ng idol kong springsteen: “These are better days baby

To hear the softly spoken magic spells

  1. oras na para magpunta sa dentista pag nag buntong hininga ka at namatay lahat ng langaw sa paligid
  2. oras na para mag mumog pag dumighay ka at bigla mong nalasahan yung kinain mong longganisa kahapon
  3. oras na para magsimba pag after three days ay nabuhay ulit yung mga langaw
  4. oras na para kumain kapag may nakatabi kang may putok at bigla kang nagutom
  5. oras na para matulog pag ang nasa isip mo na lang ay puro tungkol sa langaw
  6. oras nang magaya ng suntukan kapag gutom ka’t nakapila sa jollibee at may nakakita sa iyo na kakilala at bigla kang tinanong kung kakain ka.
  7. oras ba para pumunta sa doctor pag yung tae mo ay may sipon
  8. oras na para pumunta sa pari pag yung sipon mo ay may tae
  9. oras nang magpakamatay kung pinanganak ka na isa sa mga siamese twins, tapos ang kakambal mo ay bakla at iisa lang ang pwet ninyo