Howlin’ Dave at NU 107

meet my brother, howlin’ dave. pinoy rock pioneer, original rockjock and NU 107 lifetime awardee. a lot of musicians and artists in the philippines owe their fame to him. he has gone through a lot and now he’s back on the air.

catch howlin’ dave at NU 107 every sunday, 5 to 6 PM. ang pangalan ng show niya ay “Tapsi Rock”. it’s the best rock show in manila. i’m saying this not because he’s my brother. he just puts a lot of intelligence and class in his radio program. i know. i’ve looked up to him ever since i was a small uncircumcised boy.

pag tumawag kayo sa station to make requests, sabihin ninyo nanggaling kayo rito. he’ll get a big kick out of it.

Like a coin that wont get tossed



mga nag special mention tungkol sa batang kaning lamig:

  1. AJay’s Writing on the Wall – very well written post
  2. Dengcoy Miel’s McBayan
  3. Ruby’s Philippine Daily Inquirer Article – ang galing din
  4. Manila Bulletin Online
  5. Of Birds of Prey and BatJay – Connie’s excellent Manila Standard piece
  6. Fox Books
  7. Lara’s Rogue Reborn
  8. Doc Emer’s Parallel Universes
  9. Darenn – sinama pa niya lola niya sa launch
  10. JMom’s AMoores
  11. Toni’s Wifely Steps
  12. Nick’s Watson Online
  13. Pao’s Non Standardized
  14. Mari’s quintessentially
  15. Tessa’s Multiply
  16. A Boy’s Diary
  17. Booktopia
  18. Don Manuel’s Viloria.Net – his post is my personal favorite
  19. KiwiPinay’s Pondahan
  20. Gasoline Dude’s Life
  21. AyzPrincess
  22. RJ’s ARDYEYTOLOGY
  23. Jeck’s Red Hot Sily Kamote
  24. Mga Turo ni Tito Rolly – another personal favorite post
  25. Mommyba’s Journey
  26. Owen’s Samu’t Sari and Sundry
  27. Ate Sienna’s Pansitan
  28. Maruism
  29. BongK’s Euphonies
  30. Radioactive Adobo
  31. Paul’s The Unlawyer
  32. Dissections – still another personal favorite post
  33. Mecs Delisyusness
  34. Sayote Queen
  35. Apol the Great’s Journal
  36. Gogo Girl Cafe
  37. Sanrio Town
  38. Jet’s MyLife – pinakamamahal siyempre

maraming salamat sa inyo mga kaibigan ko. di ko makakalimutan ang kagandahang loob. speaking of limot, kung may nakalimutan akong banggitin, paki batukan na lang ninyo ako pag nagkita tayo.

When your rooster crows at the break of dawn

nakakapagod din pag isang lingo ka lang sa pilipinas. pilit mong pinapagkasya lahat para ma experience mo lahat. gusto mong makita ang mga kaibigan mo at kamag-anak. kung saan-saan ka bumabyahe para makita sila. lahat ng pagkain na di mo nakakain abroad ay gusto mong tikman. pakiramdam mo tuloy, ang buhay mo ay parang pelikulang pinapanood ng naka fast forward. naiinitindihan mo pa lang ang kwento, nasa “THE END” na agad. 

Where I belong

tatlong araw na ako rito sa maynila. miyerkoles na ng hapon dito at nakatambay ako sa isang internet cafe sa mega mall. mamayang kaunti ay makikipag tawanan na naman ako kina tito rolly at iba pang mga kaibigan. ok naman yung launch nung monday. maraming mga kaibigan at kamag-anak ang nagpunta kaya na sold out ang libro ko. ikukwento ko na lang ito sa ibang araw, kasama ang mga picture.

Continue reading

Badlands, you gotta live it everyday

kung may oras kayo sa lunes, april 14, alas tres ng hapon. magpunta kayo sa Fully Booked sa The Fort para dumalo sa booklaunch ng “Batang Kaning Lamig” at iba pang mga libro ng fox books.



ito na ang pagkakataon ninyo para makakita ng singkit pero kutis betlog na middle aged pero kyut pa rin na book author slash OFW slash engineer slash ex-macho dancer. ang nag-iisang kilabot ng mga matrona sa banal na sakramento parish ng barrio talipapa.

oo virginia, uuwi ako kaya mag kita kita tayo roon.

Here comes the organ grinder

lumipat ako ng bagong pwesto rito sa opisina. tinambakan kasi ako ng mas maraming trabaho at ang regalo sa akin ng boss ko ay mas malaking working space. kunswelo de bobo, alam ko. ang kagandahan lang nito ay nilagay niya ako sa liblib na lugar sa building kaya pwede akong magpatugtog ng music. kinakabit ko lang yung ipod sa speakers pagdating ko sa umaga at ok na ako for the rest of the day.

Continue reading

The BatJay Chronicles, Part 4 of 6

Natunton na rin niya sa wakas pero hindi niya alam kung ano ang dadatnan kaya dahan-dahan siyang pumasok sa kwartong pinang gagalingan ng amoy.

4/6: Hindi niya alam kung ano ang dadatnan kaya dahan-dahan siyang pumasok sa kwartong pinang-gagalingan ng amoy na iyon

Silhouette lang ng taong may sungay ang naaninag natin sa bukana. Kung bakit naman kasi nag costume pa’t maskara ang bwakangina eh alam naman niyang napakainit sa Pilipinas.
ITUTULOY NA NAMAN