THE NOISE NAZI

may kapitbahay kami rito sa bagong bahay na kumakatok sa amin everytime na may naririnig siyang kakaibang ingay. nung bagong lipat kami, nag complain na kumkalabog daw sa itaas. sabi ko, what do you expect, naglilipat nga kami. one time naman nung may kausap ako sa labas, sinabihan ako na huwag daw kaming maingay at hindi raw siya mapalagay. nung isang beses, nakabukas ang pinto sa likod at narinig niya si springsteen na kumakanta sa CD player, malakas daw masyado ang bass. sabi ko – hey lola, you can’t play born to run with the bass down but i’ll lower the volume just for you.

kung si seinfeld ay may soup nazi, kami naman ay may noise nazi.

welcome to condo living in southern california. dikit dikit ang mga bahay ninyo kaya malas mo na lang kung ang may-ari ng katabi mong unit ay mayroong nana sa tenga.

Harry Truman, Doris Day, Red China, Johnnie Ray

maraming salamat sa lahat ng mga nagtatanong tungkol sa safety namin. heto ang kwento ko tungkol sa sunog dito sa OC:

malakas na ang kutob ko nung tumakbo ako nung linggo ng umaga na may mangyayaring masama dahil iba kasi ang dating ng santa ana winds. mas malakas ito kaysa mga previous occurrences at parang bagyo yung force ng mga gusts. sunday ng mga 6 pm nang nagsimula ang sunog which would eventually become the notorious santiago fire of orange county. yung bahay namin ay malapit lang sa perimeter ng sunog. in fact, yung apoy ay less than 2 miles away lang at its closest approach. pag gising nga namin nung monday ni jet, amoy usok sa loob ng bahay. south bound ang direction ng hangin kaya hindi tinamaan ang bahay namin ng apoy. but it came really close.

Continue reading

We skipped a light fandango

AdobongTuyo-02

specialty ng mommy ko ang adobong puti. basically adobo without the toyo kaya mas light ang kulay niya kaysa sa regular adobo. at dahil suka lang ang timpla nito, mas maasim ng kaunti ang lasa. ang version ng mommy ko ay chicken at pork at talagang masarap ang lasa nito. baon ko halos araw-araw nung elementary ako, standard fare sa mga picnic all throughout my growing up years at regular soul food hanggang sa tuluyan na akong umalis sa bahay niya.

sinubukan kong gayahin ang adobong puti ng mommy ko last weekend. hindi ko pa nakuha ng 100%. sabi ni jet, kulang daw sa alat at dagdagan ko raw ng kaunting sabaw (ie, huwag masyadong tuyo).

pero ok lang. hindi naman ako masyadong worried na hindi ko agad nakuha ang timpla. the good thing about cooking is that you can do a dish over and over again hanggang dumating ang panahon na maging perfect ang lasa nito. parang buhay ang pagluluto, you are always given a 2nd chance.

Blow away the dreams that tear you apart

here i go again, talking about running ang music. somehow, tied together sila sa buhay ko ngayon, and if i might add, really tight.

running keeps me fit and healthy – wala pa rin akong iniinom na gamot para sa diabetes ko hanggang ngayon dahil binababa ng pagtakbo ang blood sugar ko at cholesterol. music, on the other hand, keeps me sane – kung walang musika sa buhay ko siguro matagal na akong nag hurumentado.

Continue reading

Where my love lies waiting silently for me

pagkatapos ng dalawang taon na pag rent ng apartment ay lumipat na kami ni jet sa mas permanenteng tirahan. oo virginia, bumili na kami ng maliit na bahay dito sa california. sa sobrang liit nga ay nung makita ito nung daga na gusto sanang makitira sa amin ay nag decide na lang itong umalis dahil natatakot siyang magkaroon ng panic attack dahil sa claustrophobia.

Continue reading

That shape is my shade

habang tumatakbo ako kaninang umaga papunta sa opisina, ang “deacon blues” lang ang pinapakinggan ko sa iPod ng paulit ulit. mayroon kasi siyang cadence na bagay sa bilis ng pagtakbo ko, and it’s a great song to listen to any time of day.

They got a name for the winners in the world
I want a name when I lose
They call Alabama the Crimson Tide
Call me Deacon Blues

pag nalulungkot ako, pinapakinggan ko ito. pag masaya ako, pinapakinggan ko pa rin ito. it’s a song that you can play whatever mood you’re in and there’s no other one like it. at one point, inexplain ni donald fagen at walter becker ang pagkagawa ng kanta sa VH1 pero hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan ang mga lyrics. perhaps, it is just as well. there are some things that are better off, if it’s not totally understood.

I’ll make an old woman blush

BulaloSteak-01

bihira lang magkaroon ng bulalo sa mga american supermarket kaya nung nakakita ako nung sabado ng umaga ay bumili agad ako. ginawa kong bulalo steak para simple lang lutuin. budburan mo lang ng paminta at kaunting asin ang buto, sabay salang sa grill. first time ko lang itong ginawa sa buong buhay ko pero ok naman ang kinalabasan. sa tingin ko nga eh isa ito sa mga lutuing bobo. in other words, tanga ka na lang talaga kung niluto mo ito at palpak ang kinalabasang lasa.

Continue reading

An endless stream of cigarettes and magazines

mga bagay na nami miss ko sa pilipinas:

  1. san miguel beer lite – may nabibili rito sa amerika na san miguel pero iba ang lasa. iba kasi ang timpla ng export quality at mas maraming arte silang nilalagay. i know, kasi dati kong customer ang san miguel at tumulong ako sa pag gawa ng brewery nila sa polo at davao. ang joke nga namin nung araw eh kaya masarap ang san miguel beer na gawa sa polo ay dahil yung ginagamit nilang tubig ay galing sa tullahan river. in any case, isang case ng SMB lite na may maraming nakakamatay na pulutang pinoy, kasama ng barkadang masaya ang hinahanap hanap ko parati rito sa amerika.
  2. Continue reading

I remember the thirty-five sweet goodbyes

mura lang ang bilihin nung nag-aaral pa ako. ang baon ko nga nung 1988 ay 20 pesos a day. 10 pesos para sa dinner, 10 pesos na pamasahe sa jeep from novaliches to intramuros and back. dalawang sakay ako: talipapa hanggang blumentritt, tapos blumentritt hanggang city hall ng maynila. nilalakad ko na lang from city hall hanggang sa school. ayan, bigla tuloy akong nag senti mode at napatingin sa kalendaryo. putangina, halos 20 years na pala ang nakaraan simula ng mag graduate ako ng college.

Continue reading