Before the lightning fades and you surrender

two years ago, umalis kami sa singapore for good para pumunta rito sa amerika. on the way ay nag side trip kami sa pilipinas para magpaalam sa pamilya namin. umakyat din kami ng mount apo para tapusin ang isang project. di nagtagal ay bumiyahe na kami papunta rito sa california to start our new life. july 31st – eksaktong two years na kami ni jet dito sa california ngayon.

tinanong ako ng kaopisina ko kanina kung ano ang nami-miss ko simula nang tumira kami rito sa amerika. sabi ko, nalulungkot ako kapag nakakarinig ako ng tunog ng kulog at patak ng ulan sa TV. minsan kasi yung pagkawala ng mga simple pleasures ang pinakamasakit sa lahat.

To hear the softly spoken magic spells

ihahatid ko si jet ngayon sa hospital dahil duty siya. habang naghihintay ako na matapos siyang magbihis ay pinapakinggan ko ang isa sa mga all time na paborito kong recording: pink floyd’s “dark side of the moon“. bigla tuloy akong nag-senti mood.

kinalakihan ko kasi ang “dark side“. una ko itong narinig sa mga party ng mga tambay sa talipapa nung 1970s. ginagamit kasi ito ng mga lalaki sa amin para bakuran ng matagal ang mga kursunada nila. pwede mo kasing isayaw ng sweet ang buong side 2 ng record, simula “us and them” hanggang “eclipse“.

ang payo nga sa tambayan eh dapat ay mag suot ka ng supporter pag ito ang tinugtog kasi pag matagal kang nagsayaw ng dikit sa babae ay baka hindi mo raw maitago na matigas na yung titi mo.

ah, to be young again.

Continue reading

Flying away on a wing and a prayer

habang nanonood ng “lipad, darna, lipad” sa black and white TV ng tambayan sa talipapa, novaliches:

miron: buti na lang si narda ang nakalunok ng mahiwagang bato, no?

batjay: bakit naman?

miron: eh kung si ding ang lumulon ng bato, ang magiging pangalan niya bilang superhero ay “Ganid”

ang pagbabalik-tanaw ng kaputa-putahang corny joke na ito ay hatid sa inyo ng Tito Remy’s Kesong Puti, ang kesong gawa sa kupal. subukan ang bagong sayote flavor na gawa sa kupal ng supot na taga baguio.

Too much heaven on their minds

New York Times – A day after agreeing to a record-breaking $660 million settlement with 508 people who said they were sexually abused by clergy members in the Archdiocese of Los Angeles, Cardinal Roger Mahony apologized this afternoon for “this horrible sin and crime” and said he hoped the settlement would bring a “final resolution.”

ang daming pera ng simbahan ano? kaya nilang magbayad ng 660 million dollars para pangsuhol sa mga na abuse ng mga pari sa los angeles. ang average na take ng bawat abused person ay 1.3 million dollars. equivalent ito sa 58 million pesoses gamit ang current exchange rate. sapat na pera ito para makabili ng lifetime supply na gamot sa almoranas. actually, marami akong mga kakilalang tao sa bayan namin sa talipapa, na magpapa abuse sa pari para makakuha ng ganyan kalaking halaga.

‘kinanginangyan. praise god, talaga.

When the sun turns traitor cold

dear unkyel batjay,

nag kumpisal po ako sa pari namin sa parokya nung linggo tungkol sa parati kong pag jakol. ang sabi po niya ay tigilan ko na raw po ang pagsaltik dahil mortal sin po raw ito at isipin ko na lang daw na nanonood si virgin mary tuwing magkakaroon ako ng urge. parang hindi ko po kayang pigilan ang pagjakol, unkyel pero… ayaw ko rin naman pong pumunta sa impyerno. ano po ba ang dapat kong gawin?

nagmamahal,
gentle reader


Continue reading

The world’s alright with me

Feel good songs that are not necessarily about feeling good:

  1. supertramp, lord is it mine
  2. bill withers, lovely day
  3. paul simon, here comes the sun with homeward bound
  4. moody blues, your wildest dreams
  5. fleetwood mac, don’t stop
  6. roger waters, mother
  7. batjay, portrait of my love

BONUS TRACK: eto nga pala ang isang kwelang version ng lovely day. pag masama ang araw ninyo (e.g. gumising ka isang umaga, bigla ka na lang may betlog sa noo o kaya hindi ka na tinitigasan), just watch this at baka sakaling makatulong maalis ang blues.

All the vampires walkin’ through the valley

last saturday, nag sponsor ang company namin ng indoor skydiving sa perris, california. ito yata ang mecca ng skydiving sa southern california. ang daming sira-ulo roon na tumatalon sa eroplano.

IDSkyDive-043

ang sarap pala ng pakiramdam ng skydiver, kahit simulated lang ang ginawa namin sa loob ng wind tunnel. feeling mo, para kang si darna. sa murang halaga na $20 ay binigyan kami ng tatlong 1 minute “flying time” sa loob ng tunnel. i must say, it was breathtaking and i can’t wait for the real thing. ang isa kasi sa mga matagal ko nang pinapangarap ay mag solo skydive, hopefully before i turn 45 – habang tigas titi pa.

Continue reading

Kayumanggi

Advantages ng tulad kong kulay dark brown ang balat:

  1. pag nasa california ka, kadalasan ang itatawag sa iyo ay “amigo” at maraming magtatanong sa iyo kung cross breed ba talaga ng daga at aso ang chihuahua.
  2. hindi halata kung may libag ka sa kili-kili
  3. ok lang maglakad ng walang damit kasi terno ang kutis ng balat sa kulay ng betlog.