SHANGHAI NOON!

dear mylab,

nag stop over kami kanina sa hong kong on the way to china from taiwan. malakas pala ang promotion na ginagawa sa disneyland at malimit na pinapakita ang mga commercial tungkol dito sa airport. tinanong nga sa akin ng mga kasama kong amerikano kung bakit puro si mickey mouse lang parati ang mga pinapakita sa mga commercial. hindi ko alam ang sagot kaya sinabi ko na lang eh malamang ay kinatay na si donald duck, nakasabit na sa restaurant at ginawang ulam.

nandito na kami sa shanghai ngayon. dumating kami ng exactly 12 pm – shanghai noon! ominous ano? may ibig sabihin kaya ito? malamang wala dahil pelikula lang naman ito ni jackie chan. medyo malamig ng kaunti at malaking pagbabago sa temperature from singapore and taiwan. tawag ka na lang sa akin pag dating mo from duty, matutulog na ako’t kanina pa akong madaling araw gising.

miss na kita, mylab. lab U!
jay

Chickens don’t praise their own soup

matagal na akong bumabyahe sa asia-pacific pero ngayon lang ako nakagala sa taiwan. buti naman at nakarating na ako sa wakas. ok rin dito – hindi siya kasing linis at kasing obsessive compulsive ng singapore (sometimes that actually is a good thing) pero maganda naman dito dahil mababait ang mga tao at masarap ang pagkain. minsan, yan lang ang kailangan ng tao sa buhay para lumigaya – tsibog na to die for at interesting na mga tao na pwede mong kasalo sa pagkain. well, kailangan mo rin ng sex pero that’s another story.
Continue reading

In the chill of night at the scene of a crime

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE SINGAPORE. lumusob si spiderman sa singapore kamakailan upang mag apply bilang isang tourist guide. habang umaakyat si spidey sa isang hotel ay may nakita siyang lalaking nakatambay sa balcony. kanya itong ginulat at muntik nang maihi sa takot ang kawawang lalaki. buti na lang at walang nakatingin.

ang balitang ito at ang exclusive video story clip ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk – ang gatas na may gata.


Continue reading

SEE THE CRAZY GYPSY IN MY SOUL

hello mylab.

kamusta ka na? miss na kita. sana narito ka rin sa singapore dahil mas masaya sana kung kasama kita rito. nakita ko ulit ang mga kaibigan natin nung isang gabi. kumain kami sa kiong siak ng fish head curry at yung paborito nating shrimp paste fried chicken.

tapos the other day, pumunta kami si office at napadaan sa dati nating tinitirahan. nakita ko yung neighborhood at yung mga kalyeng nilalakaran natin nung dito pa tayo nakatira. nakita ko rin yung blue mosque sa likod ng bahay natin, yung school sa tapat nito at yung loyang point na madalas nating binibilhan ng grocery. bigla lang akong nalungkot. ewan ko ba. pakiramdam ko kasi, bisita na lang ako rito – wala nang claim of ownership sa lugar na itong minahal natin ng husto.

tawag na lang ulit ako mamaya. pahinga ka na.

lab U!
jay

p.s. nag email nga pala sa akin si emman na taga philippine daily inquirer – lalabas daw bukas sa global pinoy section yung interview niya sa akin tungkol sa libro at pagiging OFW. magpapabili ako ng copy sa mommy. sabihan mo rin ang mga taga jordan na bumili ng sunday inquirer bukas.

MAJULAH SINGAPURA!

hello mylabopmayn.

umuulan ngayon dito sa singapore. “press gad”, ika nga ni brader mike. nung nasa eroplano kasi ako kanina, dinadasal ko na sana ay umulan para naman ma experience ko ulit ang amoy, tunog at pakiramdam ng rainshower. ayun – umulan nga. ngayon dinadasal ko na huminto na sana kasi magkikita kami nina eder mamayang gabi para mag dinner. pupunta raw kami doon sa kinakainan natin na fish head curry sa kiong siak road. gusto ko kasing kunin yung paborito nating table doon sa may kalye kaya sana huminto na ang ulan na ito.

dumating kami ng mga 6:30 ng umaga kanina pagtapos ng 18 hours ang byahe non stop galing ng los angeles. nakakapanibago na ang matagal na travel. hindi na ata ako sanay kasi pag labas sa changi airport eh pakiramdam ko, para akong sinapak ni manny paquiao. buti na lang singapore airlines ang sinakyan namin – ang laki ng leg room at masarap ang pagkain. swerte rin ako sa flight na ito kasi for the first time ata ay wala akong nakatabi na malakas pa sa kanyon ang putok.
Continue reading

FROM THE CREATORS OF “NANG MAGLANDI SI LOLA”

 


PAKINGGAN NINYO ang dramatization ng bago kong pelikula. mas maganda kung nag-iisa lang kayo sa kwarto, nakasara ang lahat ng mga ilaw at nakatodo ang volume ng speakers ng PC. enjoy!

And ev’ry stop is neatly planned for a poet and a one-man band

ang pinaka consuelo ng isang OFW ay ang pag-uwi sa pilipinas ng christmas season pagkatapos ng matagal na pagtiis sa ibang lugar. para sa mga OFW na may naiwan na asawa at anak sa pilipinas, ang homecoming ang pinaka highlight ng taon. miss mo na ang mga anak mo at yung nilabasan ng anak mo kaya nasa eroplano ka pa lang eh kung ano-ano nang kademonyohan at iba-ibang mga patambling tambling na position ang naiisip mo.
Continue reading

Cuddle up angel cuddle up my little dove, Well ride down baby into this tunnel of love

kung talagang gagawin mong career ang pagiging OFW, as much as possible, isama mo ang pamilya mo. ang pinaka importanteng benefit siguro ng pag-alis namin ni jet ay naging mas close kami. 15 years na kami ngayong mag-asawa and 5 of those years were spent overseas. sa tingin ko naman ay maganda ang relationship namin. para ngang pelikula ni dolphy: may sayawan, may kantahan, may iyakan, may tawanan at maraming sex (mostly off camera). ang pagkakaiba nga lang siguro eh mas malaki ang titi ni mang dolphy kaysa sa akin. bwehehe.
Continue reading

The sun is the same in the relative way, but youre older – Shorter of breath and one day closer to death

si raymund ang isa sa mga barkada ko from notre dame na based na rin dito sa california. nagkikita kami every other week para pumalo ng maliit na bolang may dimple. malaking pagbabago dahil during our younger years, pag nagkikita kami eh siguradong uuwi kami pareho ng nakainom. hindi na ngayon. una, mahigpit dito ang DUI (driving under the influence). malaki ang multa at baka makulong ka pa. pangalawa eh pareho na kaming health conscious kaya ang idea namin ng good time ngayon eh magkwentuhan. pinagkukwentuhan namin madalas yung mga pagkain at inumin na hindi na namin makain at mainom. ganyan ata talaga ang tumatanda. alam mo nang hindi ka indestructible at iniisip mo na parati kung ano ang gagawin para hindi ka mamatay ng maaga.
Continue reading

Magpunta ka sa tindahan sa tapat, magpalit ka ng balat

tuwing naririnig ko ang “reklamo ng reklamo” ng jerks eh parang kinukurot ang puso ko. halos araw-araw pa naman ata eh pinapatugtog ko ito dahil isa ito sa aking paboritong kanta kaya every now and then eh mayroon akong mga little heart attacks.

Kay dami ng problema
ang iyong makikita
Ngunit ito’y lalala pa kung aalis ka
Pagkatanggap ng pagkatalo
Kung ika’y tatakbo
At kung ikaw’y susuko
Puri mo’y ilako

pakiramdam ko kasi minsan, ako yung binabanggit ni chikoy sa kanta na tumanggap ng pagkatalo’t hindi na nakayanan ang hirap ng buhay sa pilipinas at umalis. sinasabi ko na lang sa sarili ko na kailangan talaga na nasa abroad dahil marami kaming tinutulungan na mag-asawa. iniisip ko na lang na kahit nasa ibang bansa kami ay ipagmamalaki ko pa rin ang pagka pinoy ko. hindi naman talaga pwedeng ipagkaila kasi pinoy na pinoy talaga na dating ng kutis betlog ko. kaya nga sana eh hindi ako magka stiff neck para makalingon ako sa aking pinanggalingan.
Continue reading

They paved paradise and put up a parking lot

kung gusto mong itaas ang estado ng buhay mo, hindi talaga pwedeng parati na ka na lang kuntento at maligaya. magiging stagnant kasi ang buhay mo at kamot bayag at tiyan ka na lang habangbuhay. for some people, acceptable ito but not for us who want to make our world better and our lives meaningful. sinasabi ko ito kasi karamihan ng mga OFW na tulad ko ay nag decide mag abroad kahit alam nilang mahirap dahil gusto nilang pagandahin ang buhay nila at ng kanilang pamilya.

pero may mga trade-offs kang dapat timbangin. pag nasa pilipinas ka, masaya pero walang pera. pag abroad, may pera pero hindi kasing saya. kailangan ata eh tanggapin mo na ganito talaga ang takbo ng buhay para makadiskarte ka at makagawa ng paraan para magkaroon ito ng kabuluan.
Continue reading

Tired of lying in the sunshine staying home to watch the rain

hindi ko namalayan dahil lumipas ang september ng mabilis. limang taon na pala ang kwentong tambay. nagsumula akong magsulat ng journal ng september 2001, a few days before 9/11. kakarating ko pa lang sa singapore – malungkot dahil naiwan si jet sa pilipinas, homesick at miserable. worried din dahil naiwan ang mommy ko who at that time was 77 years old. conflicted din ako dahil sa isip ko, parang tinalikuran ko ang aking bayang magiliw.

pero anong magagawa ko? kailangan ko namang kumita ng pera para buhayin ang pamilya ko. pera na hindi ko kayang kitain sa pilipinas kahit magtrabaho ako ng 24 hours. wala naman akong magic kaya hindi ako pwedeng tumae ng ginto. hindi naman ako gwapo kaya di ako pwedeng mag-artista (although sabi ng misis ko eh kyut daw ako). hindi naman ako garapal kaya ayokong pumasok sa pulitika at mag take advantage ng ibang tao. ang pinaka praktikal na option ay umalis.
Continue reading